✓Chapter 26

130 37 28
                                    

Trinity

         Mahigit ilang buwan na simula nung napag-isipan kong manatili sa isang condominum dito sa Las Pinas. At mukhang nakasanayan na din nilang dalawa ni Axel at Chrizzy pumunta muna dito sa residence kung saan kami nanatili ni Kenny. Kaya, hindi na ako magugulat ng pagkababa ko pa lang galing sa unit ng magkasabay kaming apat sa daan pababa ng ground floor. Parang mga tanga pa kaming nagkatinginan ng mga ilang segundo bago sumagi sa isip naming batiin ang bawat isa. Mukhang pare-pareho kaming pagod sa buong linggong gawain at klase. Ni nawawalalan ng ganang magsalita at makakilala ng tao sa antok. 

Lumapit ako kay Chrizzy at maingat ko siyang niyakap. Samantala nakipagbro hug din naman ako sa dalawang lalake. Agad rin kaming namin tinahak ang daan pababa patungo sa parking area ng residence. Tinahak na rin namin kaagad ang daan patungon sa parking lot ng residence.

"Ano ang plano natin ngayon?" biglang tanong ni Axel

Binalingan siya ng tingin ni Chrizzy, "Hindi ba meron tayong chess competition?"

"Nasa schedule ba natin na binigay ni Sir Jezphire?"

"Oo, nakita at nabasa ko gabi." tugon niya ulit at binaling ang tingin kay Kenny na naglalakad sa gilid nito "Teka, ang akala ko ba sasali ka, Kenny?"

"Sinong nagsabing hindi ako sasali doon?" pangyayabang ni Kenny.

"Tinatanong ka lang. Huwag masyadong mataas ang kompyansa baka matalo ka mamaya."

Umiling-iling pa siya, "Hindi iyon, Bunso. Ako pa ba?"

"Sana magkamali ka ng galaw mamaya."

"Ikaw, Ax? Sasali ka rin?" 

Napatingin naman ako sa katabing lalake at nakitang parang nag-iisip nga siya kung sasali ba ito. Kinuha pa niya ang dalang cellphone na nasa bulsa at may kung anong tinignan.

Magsasalita pa lang sana si Axel ng biglang dumating si Claudia at suminggit sa usapan naming apat.

"He can't but I can." mataray niyang sambit

Kitang kong umirap si Chrizzy "Ba't hindi niya kaya? Malamang kayang-kaya niya. Mas marunong pa nga siya siguro sa babaeng kilala kong mayabang."

"Excuse me?"

"What? Natamaan ka?"

"Tsk! Nice try, Vargas."

"Nice try, Fordy." mahinang bulong niya

Bahagyang natawa naman kaming dalawa ni Kenny ng marinig ang pang uulit niya. At talagang pinaikutan pa niya ng mata ito.

"Oo, hindi siya pwede ngayon. Dahil kakailanganin ni Axel pumunta sa minor events, games, at competitions. Para siya ang maghandle doon kasama si Sir. J." Agad akong nagmura sa isip at pinigilan ang sariling hindi makapag react sa sinabi niya. "And plus, he needs there because I'll be joining the Chess Board Game Competition."

"Hindi ba responsibilidad ng mga representatives ang mga minor activities ng SOS? Ba't hindi ikaw ang gumawa nun?"

"Oh, come on, Vargas. You think I can't play that game? You are underestimating your partner's ability."

Nakipagbalikat si Chrizzy sa kanya, "Wala akong sinabi ganun."

"Napakayabang mo talaga."

Assassination Incorporated | SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon