Maureen
He withdraw his eyes from me and return it in the road. I thought it's just a simple act but as he took off, I can see how he grip the wheel with his right hand. He even try to control his emotion but you are too late, Palmetto. Little bit more!
"Be careful with your words..." malumanay kong paalala. "Maaaring ibang lengguwahe iyon pero baka magulat ka at naiintindihan ko pala."
Kung hindi ko pang lubusang nakilala ang pagkatao ni Trinity, Chrizzy. Mas di niyo pa ako tuluyan na kilala at ang mga kakayahaan na magagawa ko. Kakayahaan na bihira lang sa mga taong katulad niyo.
Sariling buhay at katawan, minsan hindi ko din kilala ang sarili dahil kung meron silang ilang libong katanungan sa isip, isang milyon na naman sa'kin. Ni hindi ko alam kung paano ako nabuhay noon o kung bakit bigla akong nabuhay, at napunta sa lugar na 'yun.
Hindi na ako lumipat sa harap at nanatili na lang sa backseat. Komportableng sumandal at pinagkrus ko ang dalawang braso sa dibdib. Walang kahirap-hirap ko ding pina-byente kuwarto ang paa saka tumingin na lang sa dinadaan namin.
Mayamaya huminto na kami kaya napatingin ako sa labas kung nasa'n kaming ngayon. Dinala niya pala ako sa isang pribadong restaurant na may kalayuan sa eskwelahan. Di ko alam ang trip niya, at sa isip ko lang din naman ay kumain.
"Good afternoon po, Sir - Ma'am." bati nung isang staff pagkapasok namin.
"Good afternoon." Kailangan ko din bang bumati? Mabait naman masyado 'tong kasama ko.
"Table for two, Sir?"
Napatingin ako ulit kay lalakeng nakatuxedo at may bulaklak pa sa kamay. What's that? Is that a hair band?
"Hindi. Table for one hundred." pang-una ko sa kabubuhan niya. "Mukha ba kaming table for three?"
"S-sorry po, M-ma'am..."
"Shishiu."
Bigla akong hinawakan ni Palmetto sa braso at agad akong hinila papaharap. Kinausap niya sa tingin pero matigas ako. Ano ba ang mali sa sinabi ko? Ganito ba talaga ang mga pinoy? Obvious na obvious na nga, tatanungin pa!
Inip na umupo ako pagdating sa binigay nilang table sa'min at tulad sa nakasanayan. Muli akong nagbyente kuwarto ng upo saka sumandal sa upuan at pinagkrus ang dalawang braso sa dibdib.
Hinayaan ko siyang pumili ng makakain namin basta wala lang karne, mabubuhay na ako.
Nabigla ako sa pagvibrate ng phone kong nasa bulsa ng suot kong pantalon. Kalmado pero may bahid na pagkairita kong hinugot iyon at agad na tumunbad ang isang mensaheng galing kay Vee.
Tinatamad akong basahin iyon pero ibang number yung ginamit niya kaya napapaisip ako.
From: Primo AI46
Huy! AI54! Sisiw ni ipis at Cavalari! Saan ka? Huwag p*t*! Magsabi ka kung saang lupalop ng mundo ka pumunta! Dadalhan talaga kita ng inahing manok sa bahay!Subukan mo lang talaga! Magdadala din ako ng bakla para makagante din sayo! Wala akong reklamo o problema kung aso, pusa, inang baboy man, o ahas ang iuuwi niya pero kapag manok. Papasok pa lang siya babarilin ko na yung manok niya!
"That's all. Thank you."
Di ko siya muna nireplyan ng marinig ko si Palmetto na nagsalita. Napatingin ako sa kanya at muli na niyang inabot sa waiter ang menu, saka inayos ang sarili sa upuan.
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Acción| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...