Trinity
Dismayang-dismaya pa din ako sa tuwing maalala ang pangyayari kahapun. Ang akala nila sa amin walang laman ang utak. Hindi kami bulang para hindi makita ang ginagawa ng g*g*ng lalake na 'yun kay Kenny. Ang malas pa niya. Bakit ngayon pa? Napakaimportante ang susunod na laro at ito pa ang nangyari. Intention talaga nilang gawin iyon!
Medyo maaga akong nagising para puntahan si Frost. Pagkatapos niyang malagyan ng wrist brace, agad din naman siya pinauwi ng doktor. Kailangan niya lang magpahinga dahil hindi naman ito masyadong malala. At pagkatapos ng ilang araw gagaling na din yung braso niya.
Kumatok muna ako ng dalawang beses at naghintay ng ilang segundo. Ngunit walang nagbukas ng pinto para sa'kin, kaya wala akong nagawa. Kundi bukas na lang iyon ng walang paalam. Hindi naman naka-lock yung pinto niya kaya nakapasok ako. Subalit wala akong nakitang Kenny sa loob ng biglang na lang may narinig ako mula sa kwarto niya.
Papalapit pa lang ako sa pinto ng maririnig ko malakas niyang pag daing at pagmumura. Dahan-dahan kong tinungo ang silid niya at hinawakan ang door knob.
"Aish! Damn!" rinig kong mura niya ulit.
Tuluyan ko nang binuksan ang pinto at nakita siyang sinusubukan suotin ang polo nito. Ngunit hirap na hirap itong maisuot ang isang braso sa kabilang sleeve.
Mahinang natawa pa ako ng muli siyang malakas na sumigaw. Wala akong nagawa kung di lumapit at tulungan siyang maisuot ang sleeve ng polo nito.
"Trinity?" Hindi makapaniwalang sambit niya.
"May iba ka pa bang kilalang Wexler?" biro ko pero seryoso ang boses.
Naiayos ko na ang polo niya at kaya naman niyang maisuot ang mga butones. Agad siyang nagpasalamat. Tumango ako biglang tugon saka nakapamulsang umupo sa isang upuan na nasa kwarto niya.
"Ang akala ko nga ang asawa kong si Axel ang pumasok dito." And here he goes again.
Hindi ako nagsalita at mas piniling pumikit na lang habang naghihintay sa kanya.
Mayamaya muli na naman niya akong tinawag para tulungan siya. 'Di pa umabot ng isang minuto muli akong napadilat at blankong nilingon siya.
Agad niyang pinakita sa'kin yung coat nito. Inis akong tumayo para tulungan na naman siya ulit. Parang babae talaga ang lalake na'to.
"Tell me something, Frost." basang ko sa katahimikan namin.
Bigla siyang napatingin sa'kin at umiwas din agad. Tapos na siyang mag-ayos at inayos na naman niya ang mga gamit ko.
"Tell you what?"
"Tell me about Vee." Mas lalong siyang natigilan. "What's up with you?"
Tama ba ako sa pagkakaintindi sa naging reaksyon niya? O sadyang hindi niya lang inaasahan na ganun ang itatanong ko.
"We're frenemies." tanging naisagot niya.
Lumabas na ito ng kwarto kaya mabilis akong tumayo saka sinundan siya.
Sabay na kaming bumaba ng building at tinahak ang daan papunta sa school. Tamang- tama ng bigla akong may natanggap na mensahe galing kay Sir Jezphire.
May magkakaroon daw kami ng meeting ngayon kasama ang mga Heads, kaya naging mabilis ang paglakad namin para makaabot agad sa office nila.
-
"Ano na naman ang pagmemeetingan natin? Ang pagkakaalam ko tapos na ang gusto nilang ipahiwatig sa'tin." Nakipagbalikat ako sa kanya ng hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Action| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...