✓Chapter 20

158 37 58
                                    

WARNING:
This chapter will contain of some violence and strong parental guidance!

Someone

          Mapait na napatitig ako sa litratong hawak na hawak. At sa hindi namalayang pangyayari ay bigla na naman akong napakuom ng kamay. 

Ito yung araw na sobrang masaya pa kaming magkasama. Yung mga panahon na ako pa ang tanging sandalan at kasangga niya sa lahat pero biglang nagbago ang lahat nung may trabaho na siya at dumami ang pera. Minamaliit niya ang katauhan ko. Hindi masyado nababagay sa kanya ang ugali niya. Ginawa ko naman ang lahat bilang kaibigan niya pero parang hindi na niya ako kilala dahil lang sa walang kwentang pera na 'yun!

"Oras ko naman para maghigantie, amigo." Sabay kuha ng gunting at hinati ang larawan naming dalawa.

Time to break the law, amigo...

Hinanda ko na ang kakailanganin bago lumabas ng kwarto. Maingat akong bumaba sa hagdan pero pagdating ko sa baba. Nakita kong nasa sala pala ang ina ko at nanunuod ng TV. 

Dahan-dahan akong lumapit sa pinto at bubuksan na sana ng bigla niya akong tawagin.

"Ashron?" Napapikit ako sa takot ng mapansin niya ako.

"Ashron!" tawag niya ulit sa pangalan ko. "Anak, bumaba ka muna dito!"

Nakahinga ako sa huling tawag niya nang alam kong di niya pala ako nakita. Tuluyan na akong lumabas ng bahay at sumakay sa motor ko. 

Hindi ko na papalampasin ang gabing ito. Mas lalo lang akong mababaliw pag di pa ako makaalis doon. Pagod na akong magtago na lang. Oras ko naman na lumabas mula sa dilim. Ayaw ko ng magpaapi pa kahit kanino, lalong-lalo na sa kanya.

Mula sa malayo tanaw na tanaw ko na ang bahay niya. Huminga ako ng malalim at sinuot ang sumbrero ko. Maingat ko rin itinago ang baril at kutsilyo na gagamitin mamaya sa loob ng pantalon. Sunod akong dahan-dahan na umakyat mula sa likod ng bahay nila at tumalon pababa. Gamit ng pinto nila sa likod ay pumasok ako doon. Sandali pa akong nagtago mula sa kusina ng biglang bumukas ang ilaw. 

Pasimpleng akong sumilip at nakita ang taong hinahanap ko. Kumuha ito ng tubig sala umakyat ulit sa taas.

Drink your last whiskey amigo! It will be your last drink for tonight!

Dahan-dahan akong umakyat habang hawak-hawak ang baril. Mula sa pintuan sinilip ko ang loob ng silid niya at nakatalikod ito sa gawi ko habang nakaharap sa malaking binatana. Alam ko kung saan ito namamalagi kaya hindi mahirap sa'kin para hanapon siya.

Napangisi ako ng masyadong mapadali ang pagtatapos ko sa buhay niya. 

 Welcome to hell, amigo... 

Maingat na lumakad ako papalapit habang nilalagyan ng silencer ang nahawak baril. Mula sa likuran tinutukan ko ang ulo niya at handa ng ipaputok ang sandata. Ngunit laking gulat ko ng napansin niya ako at may nakatutok na rin na baril sa akin.

"Magaling kaibigan pero di ka matalino." malamig na sambit niya habang nakatayo sa harap ko. 

"Fredireko...."

"Welcome to my humble mansion..."

Natawa akong mahina, "Hindi ko kailangan ang pagbati mo."

"Pero ng lakas ng loob mong patayin ako ngayon gabi." Ngumisi pa siya kaya mas lalo akong nainis. "Pasensya ka na. Di mo makukuha ang gusto mo ngayon."   

Assassination Incorporated | SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon