✓Chapter 99

37 3 0
                                    

Vee

      Anong klaseng tanong 'to? Hindi naman ako nagmomodule pero ba't ang bobo ng mga tanong? Anak ni Bakla! Sino ang gumawa nito? Tapos ang bobo din ginawa pang seatwork sa'min ngayon. Ang put* college na kami, hindi na highschool o elementary. Tadyakan ko talaga yung organizer ng school na'to.

Malakas na tinapon ko kay Cyrus ang module na 'yun sa kainis ng malalaman kong niloloko lang pala niya ako. Pinaniwala niya ako sa choices niya pero ang bobo lang talaga yung gumawa!

Hindi din nagtagal may panibagong teacher na naman ang pumasok sa classroom. At isang panibagong kabubuhan na naman ang pinagawa namin. Aaah! What the hell?! Tinatamad na ako! Ang hirap maging top student! Suko na'ko!

"Mmm... ano kaya sa tingin niyo ang magandang trick para mas lalong lumalaki yung investment natin? Kung ganito lang kasi, paniguradong walang kukuha. Dapat mag-isip tayo, na kung saan sa isang tingin lang ng mga tao... makukuha agad natin yung interest nila."

Ba't di na lang kasi laman loob ng mga tao yung ibenta niyo? Siguradong madaming underlaw ang bibili nun. Mabilis pa yung paglaki ng pera niyo.

"Paano kung lagyan natin ng mga promo's, then pagandahin natin yung look. Don't got me wrong, kahit ako nagbibase ako talaga ako minsan sa packaging ng isang product and the same time simpre, yung description niya."

Dami nilang alam! Pwede naman hindi nila muna ibebenta iyon. Ba't di nila bigyan ng free test or example yung magiging target buyers nila para makakuha at makahanap ng mga feedbacks. At iyon ang gagawin ilang base para malalaman nila kung saang parte ang babaguhin.

Masyado sila nagfofocus sa looks lang e. Oo, maaaring bibili sila dahil maganda yung look at description. Pero paano kung walang effect naman yung product. Isip-isip din!

"Vee."

Simpleng hinugot ko ang phone na nasa bulsa ng pantalon at tinignan yung mensahe galing kay Cavalari na tinatanong kung nasa'n na naman si AI54. Hindi daw siya pumasok sa klase niya ngayong umaga. Tsk!

To: Primo AI84
Ba't di mo kaya tawagan? Ano ang akala mo sa'kin CCTV? Di ko alam kung saang lupalop ng mundo pumunta yung pasaway kong codemate!

"Huy! Kausapin muna ako! Magpapatulong lang e."

From: Cavalari
What a useless codemate? Ano na lang ang iisipin ng lalakeng iyon na pinabayaan mo lang ang sariling codemate?

Hindi na ako magtanong kung bakit panibagong number na naman ang ginamit niya para magmessage sa'kin.

Alam na alam niya talagang di ako nagbabasa ng mga mensaheng di importante. Lalong-lalo na kapag regular number ang ginagamit, pero kapag yung isang number panigurado.

G*g* talaga! Pinapaniwala niya akong may emergency!

To: Cavalari
Anong ako lang? Damay-damay na'to! Kung responsibilidad ko si 54. Mas responsibilidad mo kaming dalawa!

From: Cavalari
Hindi ko tinatanging responsibilidad ko din si Blythe pero mas pinagkatiwalaan ka ng taong iyon. Kaya hanapin mo siya pagkatapos ng klase mo.

To: Cavalari
Ba't ako na naman?

From: Cavalari
私はあなたを殺すと誓います

Assassination Incorporated | SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon