Trinity
Mabilis akong umiwas sa kalaban at tumakbo papalapit sa sariling kakampi. Ngunit agad niya pa rin akong naharangan. Lihim akong napalagutok ng dila sa inis. Umiikot ulit ako at kumawala sabay talon sa ere para saluhin ang frisbee disc.
"Wooh! That's already 5 points for Maroon Dragons." rinig kong emcee ni Mrs. Tine.
Hingal na hingal akong napahawak sa tuhod habang lakad-takbo silang apat papalapit sa'kin. Ilang taon na akong tumatakbo sa field na ito pero nakakapagod pa rin ng sobra.
"Good catch, Pressy." puri ni Axel.
Tinitap niya pa ang balikat ko. Umayos ulit ako ng pagkakatayo ng magkasalubong ang tingin namin dalawa ni Mason.
"Nice throw, Mason." anas ko saka nakipag fist bump at tumango naman siya.
Parehong hingal na hingal na kaming lahat. Medyo mahigpit ang laban dahil Golden Griffins ang kalaban namin. At alam niyo kung sino sila. Malakas din sila bilang team color. Ngunit yun nga lang, hindi kami magpapatalo.
Five points na kami. Samantala four points na rin ang mga ito. Kami ang naunang nakapuntos kanina pagkakasimula pa lang ng Frisbee. Agad din sila nakapuntos at ganun-ganun na lang ang nangyari sa laro namin. Magaling din sila katulad namin. Mukhang pinaghahanda.
Napalingon ako sa gilid kung saan nakaupo sina Chrizzy, Vee, at Shishiu. Agad akong napansin ni Chrizzy at binigyan niya kami ng isang thumbs up. Pero si Vee, di ko talaga naiintindihan ito.Ilang araw ko ng napapansin na umiiwas siya kay Kenny, kung hindi kay Kenny. Minsan sa akin siya lumalayo o umiiwas. Tsk! Ang weird ng babae na'to. Sunod akong napatingin kay Shishiu----Anak ni Kenny!
Palmetto pa din ang tawag niya sa'kin at mukhang nakasanayan na niyang tawagin akong ganun, kahit sa maraming tao.
Tinaasan ko siya ng kilay ng magtagpo ang paningin namin. Pero, agad din siyang umiwas at sumandal sa kinauupuan.
Hindi na ako nakapagreact ng pumwesto na kaming lima sa end zone. Nasa akin ang frisbee disc at ako ang hahagis nito. Subalit Hindi ko pa magagawang ihagas dahil hinihintay pa namin yung losers walk pabalik sa end zone nila kaya medyo natagalan.
Nang marinig ko na yung pito ng watcher. Agad akong pumwesto at malakas na tinapon yung disc. Sobrang taas 'nun at siguradong malayo.
Tumakbo agad kaming lima paabante para i-block ang mga kalaban at maagaw ulit namin yung disc.
Si Kenny ang nagbablock sa nakahawak ng disc habang pinipigilan at kumukuha kami ng pagkakataon na makuha iyon. Mayamaya bigla niya ng binitawan ang disc, para masalo nung lalakeng iniblock ni Cyrus. Ngunit mabilis na tinitap ni Cyrus ang disc para bumagsak iyon sa lupa.
It's our turn...
Lumapit si Mason at binigay niya din naman agad. Huminto siya at naghanap ng opening kung sino ang papasahan niya. Mahigpit ang kalaban na nagbablock sa'kin kaya hindi ganun ako kabilis na makaiwas.
Mabilis nag-isip si Mason at binigay iyon kay Axel na nagawa naman naisalo nito. Umiwas ako sa blocker ko saka tumakbo sa kanila. Ngunit napamura ako sa sariling isip. Mukhang alam nila ako yung lead dito.
Pagkasalo ni Axel nung disk ay agad niyang tinapon iyon kay Kenny. At mabilis na tinalon naman ni Kenny para saluhin, ngunit tumalon din ang kalaban.
"Griffins! Let's go! Griffins! Come on! Griffins! Fight!" rinig naming pagchicheer ng mga tao
Hindi nagawang makuha ni Kenny iyon at bumagsak ang disc sa likod nito. Kaya, mabilis na kinuha nung kakampi ng kalaban ang disc at binigay sa isa pang kaibigan nilang naghihintay sa end zone.
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Action| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...