Chrizzy
"Chrizzy!" Parang nagmura ako sa sariling pag-iisip ng marinig ang boses na iyon.Sino pa nga ba ang mga iyon? Masyadong maaga naman nila akong iniistorbo. Ang bwisit naman! Anong oras pala ha?! Mamayang alas-diyes pa ang klase ko. More time pa please. Kahit isang oras pa. Puyat na puyat ako kagabi dahil sa pinagagawa. Ni gabi na rin ako nakauwi at kinaumagahan na nakatulog.
Bahagyang kumunot ang noo ko ng marinig ang kakaibang ingay na nasa labas ng kwarto ko. Mayamaya pa ay muli akong napaungol ng marinig ang boses na 'yun. Bahagyang umikot ako sa kabilang bahagi ng kama saka natulog ulit.
"Aaah! Ang p*ta! Kenny!" bulyaw ko.
Inis na inis akong nagtago sa ilalim ng unan habang walang tigil akong pinaghahampas ng unggoy na baklang ito.
Anak ni Kenny! Sumasakit na yung ulo ko sa ginagawa niyang pagtalon-talon sa kama at walang tigil pa rin sa pagkakahampas ng unan sa'kin. Sisipain ko na talaga isang 'to.
"Huy! Gising na! The sun is shining! My love is dying!"
"Frost!"
"Wakey! Wakey!"
"Isa!"
"Dalawa---Aaah! Sh!t! Bunso, ang sakit nun!" rinig kong reklamo niya pagkatapos ko siyang sipain pababa ng kama ko.
You deserve it, bitch!
"Wakey sleepy head! Dito kami ngayon kakain!"
Napaangat ang tingin ko sa pinto ng kwarto at nakitang nakatayo doon si Axel habang si Trinity papasok pa lang.
Pabagsak akong napamura at humiga ulit saka nagtaklob ng kumot. Agad ko naman narinig ang pagtawa nila Axel.
Hindi ko sila pinapagalitan makapasok dito sa bahay kaya sila ganito.
"Bwisit! Bro, ang sakit nung katawan ko!" rinig kong sambit ni Kenny.
Napangisi ako ng marinig ng paulit-ulit na reklamo niya iyon. At kayamaya pa ay naramdaman kong tumayo na siya mula sa paanan ng kama.
Tawang-tawa ako sa loob ng isip dahil sa kanya. Humingi din ng pasensya sa ginawang pagsipa sa kanya ng malakas.
"Hali ka dito!"
"Aaaah! Frost! Aaaah! No!" bulyaw ko sa kanya ng buhatin niya bigla habang nakahiga ako sa kama.
Naghanap agad ako na pwedeng kapitan doon para hindi niya ako mahila o mabuhat, pero sadyang nabigo ako.
"Dali na!"
Mas lalo akong napasigaw, "Tulong! Tulungan niyo ko!"
"Let's go! Bangon na!"
Natatawang nabuhat na nga talaga niya ako at nagsimulang maglakad papalabas ng kwarto. Naririnig ko na rin ang mahinang pagtawa ng dalawang lalake. Yung tipong parang nag-eenjoy silang panuorin akong pagtripan ng baklang ito.
Mga walang awa! Gusto kong pumalag pero alam kong babagsak ako sa sahig at sobrang sakit iyon sa katawan.
Muli akong napasigaw ng malakas ng tinapon niya ako bigla sa couch kaya nagbounce ako doon at bumagsak sa sahig. Tawang-tawa naman ito habang inis na inis akong bumangon saka sinamaan siya ng tingin.
Grabe! Ang sakit nung pwet ko.
"Good morning!" bati nilang dalawa ni Axel.
"Mga bwisit kayo!" Inis na inis ko silang hinagisan ng unan na nakita sa ibabaw ng couch. "Ako na nga yung ginagambal ninyo dito tapos ako pa yung kawawa!"
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Action| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...