✓Chapter 7

175 44 31
                                    

Kenny

Ano ba ang iniisip nila para gawin ang bagay na 'to? Masyado naman silang kampante sa desisyon nila tapos kami yung magsasakripisyo. Sobrang dami na naming gawain tapos idadagdag pa nila ito. Isang magandang offer nga iyon pero iniisip din ba nila yung magiging hirap sa pag transfer ng mga documents na'to. Tapos tatawag sila ng meeting ay nagawa na pala nila.

Naging tahimik ang buong opisina ng umalis bigla sila Trinity at Axel para pumunta kung saan. Panigurado may pinapagawa naman sa kanila si Sir Jezphire. Tanging kaming dalawa na lang ni Chrizzy ang naiwan dito sa opisina.

Buntong hininga akong sumandal ng madiin sa upuan sabay gulo ng buhok. Sumasakit na yung ulo ko. Dumagdag pa ang isang 'to.

Medyo malalim na yung iniisip ko ng nagulat ako sa boses ni Chrizzy na tinatawag ako. Mabilis akong napalingon sa kanya at nakitang nakatayo na ito sa harap ng table ko. Para akong tangang bagong gising ng tumingin sa kanya. Sadyang malalim lang talaga ang iniisip ko at hindi ko siya kaagad napansin.

"Kenny! Anak ng!" nauubusan niyang pasensya.

Umayos ako ng pagkakaupo, "S-sorry. Yes?"

"Are you okay?"

"Oo naman, bakit?"

"Mukha kang maputla."

Kunot noo ko siyang tinitigan at humarap sa salamin na nasa gilid ng lamesa.

Tama nga siya mukha akong maputla.

Mayamaya pa ay bigla na naman niya akong tinawag pero nanatili akong nakatitig sa sariling repleksyon mula sa salamin.

"Hey, Kenny. Umiinom ka ba ng gamot mo?" Hindi ako kaagad nakasagot sa kanya, kaya, mas lalo pa niya nilakasan ang boses. "Kenny! Hey! Eyes on me! Hello!"

Wala naman akong sakit pero bakit parang---

"Y-yeah! I think I'm okay."

"Bingi ka lang eh noh?"

"Pasensya naman."

Umayos na ako sa pagkakaupo at tumingin ulit sa kanya nung mapansin kong hindi pa rin ito umaalis sa harap ng lamesa ko. Kaya, muli ko na lang siyang pinagsabihan na talagang maayos lang ako.

Ngunit pinagmasdan pa niya ako lalo na para bang sinusuri kung nagsasabi ba talaga akong nang totoo. At nang makuntento bumalik na din siya sa sariling lamesa.

Higit dalawang linggo na ang nakalipas pagkatapos ng pagdidiriwang ng kaarawan ko. Tulad sa pinag-usapan namin, bumalik agad kami dahil pare-parehong may mga personal na gawain. Katulad lang din sa nakasanayan hindi kami lumalabas ng opisina kung wala naman dapat gawin sa labas. Ngunit kung pa minsan-minsan lumalabas rin kami tuwing lunch time. Maayos naman Ang mga pagkain sa Bistro Lima pero mas masarap talaga kumain sa iba.

"Are you okay, bunso?" basag ko sa tensyon na namamagitan sa'min.

Napansin ko kasing napatulala siya habang may binabasa sa cellphone nito. Agad siyang napabalikwas ng marinig ang boses ko sabay buntong hininga.

Ilang basong kape ba ang ininum ng isang 'to?

"I've got an order from Trinity." aniya.

"Oh, ano ang sabi?"

"He wants us to take the situation downstairs."

Kinuotan ko siya ng noo, "Why? What happened? Did something goes wrong?"

Assassination Incorporated | SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon