Maureen
Hirap na hirap na akong sinusubukan hindi makatulog habang nakikinig sa klase ko ngayon sa busines management. Kampanteng nakasandal sa upuan at nakakrus pa ang dalawang braso sa dibdib.
"Wala ako natanggap na kahit anong utos mula sa Incorporated." Bigla ako napalingon ng magsalita si Mason na katabi ko sa upuan.
Hindi siya nakatingin sa'kin subalit alam ko pa rin na ako ang kinakausap niya. Di dahil ako lang ang kilala at kaibigan niya sa klase, kundi basi sa binitawang salita.
Buntong hiningang umiwas at muling inayos ko ang sarili sa kinauupuan.
"Ano ang ibig mong sabihin? Hindi kita naiintindihan ng mabuti." pagsisinungaling ko.
Naramdaman ko siyang tumingin pero agad din naman umiwas.
Hindi ka naman tunay na Cavalari. Ngunit bakit parang dumadaloy ang dugo ni Orion sa'yo? Kuhang-kuha mo na ang gawi't asal ng tatay-tatayan mo.
"May ginawa ka pa ba kagabi maliban sa pagbisita natin kay Chrizzy sa hospital?"
Kinuot noo ko ulit siyang tinignan, "Hindi kita maiintindihan, Cavalari."
"Lagi kang inaantok kapag may inutos na naman sila para sa'yo. Kaya kita tinatanong kung ano pa ba ang iba mo pang ginawa maliban sa pagbisita kay Vargas kagabi." pagsuspeksya niya.
Bigla akong napaisip kung bakit nga ba ako inaantok. Wala naman ibang dahilan maliban sa tinawagan at kinausap ko si Harriz kagabi. Hindi ko kasi matawagan si Mak'saneng sa di ko naman alam kung ano ang dahilan niya.
I brought him a stupid cellphone to used it, but look what he did. Tsk! I like it thou! Mak'saneng is a better half of me, just a little. We don't commonly used our phone. Aside, when it is necessary.
"None." tipid kong sagot.
Muli akong napaiwas ng tingin sa kanya saka saglit na napapikit. Kulang na kulang ako sa tulog kaya sigurado. Hahanap ako mamaya ng tsokolate para tulungan ang sariling mananatiling nakadilat.
Ngunit mga ilang segundo lang ang nagdaan ay napamulat ako ulit ng bigla siyang nagsalita.
"Ilang taon na pala tayong hindi nakabalik doon. Hindi ko matatangging namimiss ko ang Lugar na naging tahanan natin." I can hear sincerity in his voice as he said those words.
That place again, a place where I thought I was safe like what they've said. I trusted them but its all in opposite way.
Maaaring masasabi nga namin na tahanan iyon. Ngunit hindi para sa mga normal na tao katulad sa pumapaligid sa'min. Isa iyong tahanan para sa mga taong ginawa nilang mamatay-tao.
Hindi para pumatay ng mga inosenteng tao, pero para sa mga kriminal ng mundo na hindi maubos-ubos.
"Hindi ko rin akalain na papayagan ka niyang lumabas. Para sa kagustuhan mong mag-aral sa tunay na ekswelahan." 'di pa rin niyang makapaniwalang wika.
I can't count the years since the day I left the Incorporated for this.
Hindi ito kabilang sa misyon namin na mag-aral o pumasok sa mga eskwelahan. Ito'y isang kagustuhan ko sa buhay. Gusto ko lang naman maranasan kung paano mag-aral sa tunay na paaralan. Kumilos ng parang normal na estudyante. Gumala na parang wala kang ibang iniisip dahil malaya ka. Makisama sa mga normal na tao sa mundo.
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Aksi| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...