✓Chapter 74

68 9 19
                                    

Trinity

     Napasandal ako sa upuan at napahawak sa ulo ng kanina pang sumasakit. Pagkagising ko kaninang umaga agad akong nagbihis at pumunta dito sa office para icheck yung report namin sa buong school of Survival

"What?" bungad ko agad kay Axel ng tawagan niya ako.

"Sa'n ka?" Napapikit ako ng maramdaman na umiikot ang mundo ko. "Trin?"

Huminga ako ng malalim at muling nagmulat saka sinagot siya, "S-sorry... Office, why?"

"See! Sabi ko naman sa inyo e!" rinig kong sigaw niya sa kabilang linya, na mukhang kinakausap sila Kenny doon. "Sige, sige... didiresto na lang din kami dyan."

Napatingin ako sa oras at malapit ng magsimula ang seminar namin.

"No, no need. Baba na rin naman ako." pigil ko at tumayo na para ligpitin ang mga kalat sa ibabaw ng lamesa.

"Okay, Boss..." 'Di ko pa siya masyadong naririnig dahil sa ingay. "...Kita na lang tayo sa Culinary Arts Lab."

Binabaan ko na siya ng tawag at tuluyan ko ng tinapos ang pagliligpit sa mga kalat ko. Saglit na sinisave ko muna yung report sa flash drive para iabot ko na lang mamaya kay Sir Jezphire.

Paglabas ko ng opisina agad kong tinahak ang daan papunta sa office niya. Kumatok ako ng tatlong beses saka dahan-dahan na pinihid ang pinto.

"Yes, Mr. Welxer?" bungad niya.

Nakapamulsa ang isang kamay na lumapit ako sa kanya at inabot ang flash drive na tinanggap naman niya agad.

"Temporary report for last three months of School of Survival."

"Why?" aniya habang di nakatingin sa'kin.

Sinaksak niya ang flash drive sa laptop nito at binuksan yung mga files ko.

"I'll let Axel do the last report and the permanent one. I have to go home after the Association."

Natigilan siya at napaangat ang tingin sa'kin. "You can't..." Alam ko din naman na sasabihin niya 'yun. "May examinations tayo at kailangan ka nila dito para tumulong."

"Nandyan naman sina Everhart, Frost, and Vargas. They know how to handle that and..." Huminga ako ng malalim at matapang siyang tinitigan sa mata. "Sigurado akong tutulong din naman ang mga ibang class representatives. Pati na din ang mga estudyanteng na exemption sa exam."

"How confident enough ka bang may mga estudyanteng tutulong at may nag exemption sa exam? Sigurado ka bang marami sila? At talagang nagawang mag exempted sa pagsusuri?" Magsasalita na sana ako pero di niya ako hinayaan. "Bakit? Have you weakened so you could think they are? Isang himala 'yun, Trinity."

"What if they do." Di ko inaasahan na tumawa siya ng malakas kaya bahagyang nagulat ako.

"Maaaring matatalino sila nung una pero di ako naniniwala na makakaya nilang pantayan kayo..." Sandaling huminto siya at pinagkrus ang dalawang braso sa dibdib. "And besides they just came from our sister school. Ang pangalan lang ang nagpapalaki sa kanila."

Assassination Incorporated | SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon