✓Chapter 87

49 4 34
                                    

Trinity

  Kanina ko pa siya tinitigan mula ulo hanggang paa dahil sa itsura niyang punong-puno ng pulbo. Gusto kong magtanong kahit isa sa kanila kung ano nangyari pero sadyang may pumipigil sa'kin. Mayamaya nagkasalubong ang paningin naming dalawa pero nagtataka ako ng bigla siyang umiwas saka niyayang umalis si Mason.

"Ano pa ang ginagawa natin? Nauna na yung dalawa..." Lihim akong napalagutok ng dila ng marinig sinabi ni Kenny. "Tara, uwi na tayo at makapagbihis."

Kakabalik ko lang pero sumasakit na ang ulo ko sa ingay ni Kenny. Tahimik at medyo kalmado ang mundo ko nung mga araw na hindi kami magkasama. Aaminin kong namiss ko silang lahat. Lalong-lalo na sila ang nakakasanayan kong makasama buong araw. Bahagya pa rin akong ginagumbala sa babaeng tumulong at muntikan na akong patayin ng mga nakaraang gabi. Hanggang ngayon iniisip ko kung sino ba talaga at ang huling linyang iniwan niya.

Hindi nagtagal nakauwi na kami sa kanyang-kanya tirahan para makapagbihis at makapagpahinga sandali. Ang plano ay aalis kami ng alas sais ng gabi para walang init kapag papunta doon. Tama naman dahil mas masaya kapag gabi yung celebration. Gusto pa sanang ipaprivate iyon ni Axel pero tumanggi kami. Makapagdiwang pa rin naman kami kahit may mga tao sa paligid. Hindi kami maarte o mapili sa mga bagay-bagay kaya walang dahilan para umakto kaming ganyan.

Lumapit ako papalapit sa bintana habang hinuhubad ang suot na polo. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng Las Piñas mula doon.

Hindi ko na masyado naalala ang dating itsura ng lugar na'to. Tama nga sila. Hindi lang ang numero ng taon ang nag iiba kundi pati na din ang panahon. Noon wala pang masyadong gusali dito pero ngayon halos punong-puno na ng iba't ibang industriya.

"Aish! Mukhang kailangan ko ulit maligo." komento ko sa sarili ng nakaramdam ng init mula sa labas.

Sandaling tinignan ko muna ang phone baka may email or messages na nagmula sa Southville o kaya kay Sir Jezphire. Ngunit mukhang wala at maayos naman ang lagay ng mga obligasyon ko ngayong araw.

Naligo ako gamit ng malamig na tubig kahit na sobrang lamig na nung aircon sa buong unit. Hindi niyo talaga masisi kung kailangan kong makaramdam ng sobrang lamig sa katawan. Ang init-init ng araw kanina habang tinatahak namin ang daan papauwi. Kahit nasa loob ako ng sasaakyan, pero yung sikat ng araw damang-dama ko pa rin. 

Pagkatapos kong maligo gusto ko sanang matulog. Ngunit gising na gising talaga ang diwa ko. Napaupo na lang ako sa couch habang may hawak na hawak na libro pero hindi ko magawang basahin.

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko dito kaya tinawagan ko sila para makigulo.

"Axel, kasama mo ba si Frost diyan?"

"H-hindi eh. Nandito ako sa bahay." tugon niya at narinig ko pa ang paghikab niyan. "Bakit? May kailangan ka ba?"

"Not really..."

"Oh, ba't ka tumawag?"

Buntong hininga akong napasandal sa kinauupuan at marahas na sinuklay ang buhok.

"Wala akong magawa dito."

"Matulog ka kung wala kang magawa. Mamayang gabi pa naman ang celebration natin."

"I know..." sambit ko. "Kenny pa nga ba ang magplano."

"Tama naman siya saka pagbigyan mo na. Siya yung nagpuyat magdamag para kay Bunso para masiguradong maayos ang kalagay niya. Pagod na pagod ang isang 'yun." aniya at narinig ko ulit ang paghikab nito.

Assassination Incorporated | SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon