⚠️WARNING:
This chapter will contain of some violence, mature scenes and strong parental guidance
It was a perfect night to get out again and doing my job. Kahit na punong-puno ng kaguluhan ang nangyari kanina. It pissed me off so hard. I don't even understand her. She doesn't always listen to me.Nakarating na ako sa lugar na pupuntahan pero maingat akong pumasok sa loob para walang may makahalata sa 'kin. Dumaan ako sa mismong harap ng motel saka lumapit sa front desk para magcheck in. Ngunit habang pinaprocess nila ang room na ibibigay sa'kin ay may nakakuha ng atensyon ko.
Magmamadali silang pumasok sa motel at lahat sila ay nakasuot ng magarang kasuotan kaya hindi mapagkainlang makukuha ang atensyon mo. Mabilis silang pumasok sa elevator samantala di ko inaalis ang paningin mula sa kanila.
"Sir, here's your room key. Have a good day." Nabaling ang paningin ko sa babae na nagtatrabaho sa front desk.
Ngumiti ako sa kanya sabay abot ng card para sa kwarto ko. Mabilis lang naman ako dito pero kailangan maging maingat dahil hindi ko teritoryo ito.
Nasa harap na ako ng pinto ng sariling kwarto ng makita ko na naman silang dumaan. Pasimpleng nagswipe ako ng card saka inaabala ang sarilipara hindi nila ako pansin. Mayamaya ay nagawa ko ng buksan ang pinto at tamang-tama nakalagpas na sila sa'kin.
Muli kong narinig ang pumasok nila ulit sa elevator kaya nagkunwaring akong nakapasok ng tuluyan sa kwarto. Sumilip ako mula sa gilid ng pintuan at tinignan kung saan floor sila pupunta. Napangisi ako ng makitang nasa fifth floor lang pala.
Tinapon ko ang susi ng motor ko pati na rin ang iba ko pang gamit na dala sa ibabaw ng kama, saka hinubad ang suot na damit.
"What kind of a killer are you, woman." anas ko.
Parang baliw akong kinausap ang sarili habang nakatingin sa larawan na nasa device ko.
She is the one who will be terminated tonight. She kills a lot of innocent people. She is a bloody killer as well, yet she is known in the outside world as a businesswoman. She's famous but she's brutal. She is famous and wealthy as a result of her unlawful transactions. Her whole income is derived from her various Underground auctions.
Pumasok muna ako sa loob ng banyo para maghilamos. Lumabas rin naman kaagad habang pinapahiran ang mukha at dibdib.
Umupo ako sa kama para simulan ng i-assemble ang mga sandatang gagamitin mamaya. Nilatag ko lahat ng baril, kutsilyo, dagger, at mga iba't ibang patalim na pwedeng makapatay ng tao. Inuna ko ang pag assemble ng M1911A1 na baril ko, sunod ang G36C gun type, at kung ano-ano pa.
Nilagayan ko na rin ng bala ang magazine pero hindi ko pa muna nilagay sa loob ng baril. Nang handa na ang lahat ng sandatang gagamit. Tumayo agad ako para tignan ang labas ng bintana. Medyo tahimik na ang buong lugar pagkabukas ko ng Kristal.
Tumingala ako sa taas para maghanap ng pwedeng daan paakyat sa fifth floor. Ngunit agad akong pumasok ulit ng biglang may lumabas mula sa ikalimang palapag.
Lumapit na lang ako ulit sa kama at kinuha ang damit na dapat kong suotin. Napaharap ako sa salamin na nandito sa loob ng kwarto at napatitig sa kabuuan ko. Malaki na ang pinagbago ng katawan ko. At magandang senyales iyon. Ngunit napatitig ako sa gilid ng katawan ng bahagyang lumuluwa ang isang itim na tinta kahit na tinatakpan na siya ng suot kong itim na pantalon. Napahaplos ako doon at inaalala kung bakit may ganito ako.
"You still a mystery. I hope I can find the answer." anas ko at tuluyan ng sinuot ang kasuotan para sa ganitong klaseng trabaho.
Kinuha ko na rin ang mga gamit ko para ilagay sa mga lalagyan nila. Naglagay ako ng kutsilyo, dagger, at kung ano pang patalim sa suot at katawan. Sunod na kinuha ko ang baril at tinago ang isa sa gilid ko. Isinuot ko din ang mask at cap para hindi nila ako pakilala, pati na rin ang earpiece ko sa tenga.
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Acción| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...