Trinity
Napaangat ang tingin ko sa salamin ng marinig ang boses ni Axel, na kakapasok lang sa shower room. Sumalubong ang paningin naming pareho sa salamin. Andito kami dahil dito kami kung saan nagbibihis pagkatapos ng training. Humarap na ako sa kanya na nagpapalit ng SISFU T-shirt niya. Kakatapos lang rin nila magtraining at practice sa basketball pero hindi niya kasama si Kenny.
"Where's Kenny?"
"Hindi siya nagpractice. May injury siya, remember? Kilala mo na ang baklang 'yun. Hayaan mo na. He can handle himself." aniya at sinuot ang t-shirt saka umupo sa isang upuan para suotin ang sapatos niya. "Napapansin mo ba? Lately parang ibang Kenny ang nakikita ko sa kanya. Iba na ang kilos at pananalita niya. Hindi ba dahil kay Vee 'yun?"
Naalala ko na naman ang pinag-usapan namin dalawa ni Kenny nakaraan. I am the reason why Vee can't love him. But it's too hard for Kenny to accept the fact that no matter what happened. Vee will never gonna like me.
Napamulsa akong nakikinig sa kanya at napabuntong hininga. "Let's give him some time to think. I already talk to him about it."
Napatingin siya sa'kin at kunot noo niya ako sinalubong na tingin.
"Ito ba ang dahilan kung bakit napaiwan kayo kahapon?" Di ako sumagot pero alam kong maiintindihan niya. "Hell! Sana pala napaiwan na rin ako. You're so unfair."
"I am not."
"Tsk! Pambihira!"
Napasuklay na lang ako sa basa kong buhok. Samantala tumayo na din ito para ligpitin ang mga gamit niya.
Sabay na kaming lumabas para pumasok. Ngunit nakalimutan kong wala pala kaming klase ngayon. Ngunit may mga club activities ang school dahil dumating na ang mga advisers and trainers ng bawat club. May mga klase naman ang iba na walang club. At may gumagala na naman sa buong campus.
"Alam mo bang nag-away silang dalawa ni Chrizzy at Claudia kahapon sa cafeteria?" biglang balita niya habang naglalakad kami.
"May bago pa ba?"
Mahinang natawa siya, "Oo nga naman."
"So, what happened?"
"Nakapagtataka at gulat na naman kami ng bigla silang pinatawag ni Master Quinton. Sana hindi sila pinagalitan." Bumuntong hininga pa siya at mas inayos ang dalang bag.
"Wala naman may nagbago sa kanila. Insecure lang si Claudia kay Chrizzy dahil sa taglay niyang kakayahan." pagpapahayag ko habang nasa loob ng bulsa na naman ang dalawang kamay. "I already told Chrizzy to be nice to her, but I know it will be difficult and hard for her to do it."
Maraming pa ding mga estudyante na nakatambay sa labas ng mga classrooms. May naglalaro din nang volleyball sa field. Meron rin naglalaro ng frisbee nung napadaan kami sa SISC.
LNagkakasayahan silang lahat dahil wala silang mga klase. Kahit kami rin naman, kapag walang klase ganyang-ganyan kami.
"Aside from that, after what happened. Huling beses ko na lang nakitang umalis si Chrizzy sa cafeteria ng pinatawag nga siya ni Master Quinton. Pagkatapos 'nun... I didn't see her around the campus." Napalingon ako ng sabihin niya iyon. "Don't get me wrong. Kung si Chrizzy lang. Magpapaalam iyon at magpaalam kung saan siya pupunta."
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Action| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...