Chrizzy
Nakakapagod ang araw! Pakiramdam ko parang puputok na ng ulo ko sa pagod. Gusto ko ng magpahinga at humiga buong gabi. Pero paano ako makapagpahinga kung ang isip ko naman away tumitigil sa kakaisip. Tulad na lang sa mga gawain na dapat ko pang tapusin, mga bagay na kailangan ko rin dapat alamin. Nag-aalala na rin ako kay Trinity na kakaiba na naman ang kinikilos niya. Yung tipong parang ayaw niyang may umaaligid sa kanya. Napaisip tuloy ako kung saan siya pupunta.
Lihim akong napakuom ng kamay at pinipigilan ang sariling huwag mawala sa kontrol.
Makarating na ako sa bahay ngunit ganun na lang ang gulat ko ng makitang bumaba din silang dalawa ni Axel at Kenny sa mga kotse nila. Tatanungin ko pa sana sila ng basta nila akong hinakay papasok sa loob ng bahay.
Pagpasok ay agad silang umupo sa couch, na parang bang komportable saka hinubad pa ang mga suot na coat.
Kumunot ang noo kong makatingin sa kanilang dalawa, "Ano ang ginagawa niyo? Akala ko ba magpapahinga rin kayo. Bakit dito kayo tumuloy?"
"Yeah. Magpapahinga nga kami pero gusto namin manatili dito. Atsaka, daming pagkain dito." nakangising sambit pa ni Kenny.
Mabilis pa sa alas kwartong hinagis ko sa kanya ang na hawakan kong baso sa lamesa. Napalagutok naman ako ng dila sa kanya ng magawa niyang saluhin ang basong hinagis ko gamit ng iisang kamay.
"Yabang..." bulong ko.
"WOH! Easy, baby girl. Alam kong may kakaiba sa'yo ngayon pero wag mo naman sirain ang mukha ko."
"Sana nga masira na lang."
Sinamaan niya ako ng tingin, "Wala ka talagang pagmamahal sa kuya mo."
"Wala talaga! Ewan ko sa'yo."
Saglit ko silang iniwan sa sala at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Kaagad rin naman akong bumalik sa kanila at umupo sa harap ng study table. Agad kong binuksan ang laptop para simulan ang ginagawang pagsusuri.
Kailangan matapos na ito. Sinusubukan pa nila akong kausapin pero ayaw ko silang pansinin.
"What's wrong, Chrizzy?" rinig kong wika ni Axel habang abala ako sa ginagawa. "Di pa naman ang oras para mag trabaho? Nangyari sa'yo?"
"Aba! Paano mo kami natiis ng ganyan, Bunso?"
"Chrizzy Raine Var----"
"Not now, Everhart. Wala ako sa mood ngayon para sa mga biro niyo." malamig na anas ko.
"Rhett, an---" Hindi na natapos ni Kenny ang sasabihin ng agad siyang pinutol ni Axel.
"Frost! Ilang ulit ba dapat kong ipaalala sa'yo na ayaw na ayaw kong tinatawag ako sa pangalan yan?!" galit na galit na sambit ni Axel.
"Sabi ko na nga ba eh. Axel nga. Axel."
Napalingon ako sa kanila at nakitang tinutukan na siya ni Axel ng sariling cellphone. Umiling -iling na lang ako sa kabaliwan ni Kenny at humarap ulit sa laptop saka ginawa ang trabaho ko.
Lihim na napakagat labi ako habang binabasa ang nakitang message na sinisend nito. Ni napalagutok ako ng dila. Ito lang ang pagpipilian ko. Kailangan kong magtiwala sa kanya.
Ngunit ng matapos kong basahin lahat ay halos parang isigawan ko ang pagmumura subalit pinipigilan ko.
Alam kong mas matanda siya sa'kin at kailangan respetuhin ko rin ito. Pero, ibinigay ko na sa kanya ang natirang barahang meron ako. Kung pwede ko lang sana siyang tapusin ay ginawa ko na pero hindi pwede.
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Aksi| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...