⚠️WARNING:
This chapter will contain of some violence, mature scenes and strong parental guidance.Someone
Wala ako sa sariling tulalang nakatitig kay Mama habang nagsasalita ito sa harap ko. Parehong nakaupo kaming dalawa sa hapang kainan at sabay na kumakain. Hindi ko siya maiintindihan kahit anong ginawa ko para pakinggan siya ay wala kahit isang salita akong naririnig o may naiintindihan.
"Muntik na pala ako kaninang mabangga ng tricycle dahil sa sobrang pagmamadali kong makauwi. Ngunit buti na lang at hindi masyado mabilis ang pagtatakbo niya." Alam kong medyo nakatagilid na ang ulo ko habang nakatitug sa kanya. Kumakain rin ako tulad niyo pero pakiramdam ko ang pagkain na nasa pingganan ay parang hilaw na baboy. Samantala yung tinidor lang ang ginagamit kong pangsubo. "Naku! Salamat na lang talaga sa nangyari sa'kin. Kung hindi, naku. Hindi mo na matitikman ang paborito mong pagkain, Anak."
Pakiramdam ko parang kutsilyo lang ang hawak kong tinidor at sinasaksak ang mga pagkain bago isusubo sa loob ng bunganga.
"Anak? Ayos ka lang ba? Faith?" nag-alalang anas ni Mama.
Bahagyang napakurap ako ng biglang may naramdaman akong kamay na humawak sa balikat ko.
Mabilis na hinawakan ko iyon at inalis ang kamay niyang tumatapo sa balat ko. Ngunit nagising kaagad ako ng makitang gulat na gulat ang mukha ni Mama sa ginawa ko. Ni kahit ako ay nagulat rin sa sariling kinikilos.
"P-pasensya po, Mama...." nauutal kong anas habang nakayuko ang mga ulo, "N-nabigla lang po ako."
Naramdaman ko ang mga tingin niya, "Faith? Sigurado ka bang ayos ka lang? Ilang araw ko ng napapansin ganyan ka."
"A-ayos lang po ako, M-mama." pagsisinungaling ko.
"Bakit? May mali ba sa'yo?"
Hindi sa'kin, Mama, sa kanila...
Napailing-iling ako ng ulo ng parang may naririnig ako sa sariling na nagsasalita kahit hindi ko naman binubuka ang bibig ko.
Lihim akong napakuom ng kamay sa ilalim ng lamesa at marahas na napapikit. Ngunit ng marinig ko ang boses ulit ni Mama ay agad akong nagising.
Pagkatapos namin kumain ay nagpresinta akong maghuhugas ng pinggan na ginamit namin. Tulog na si Mama ng makatapos ako sa paghuhugas kaya hinayaan ko itong makatulog. Alam kong pagod na pagod siya sa pagtatrabaho buong araw kaya dapat lang ito makapagpahinga ng matagal.
Wala akong ingay na pumasok sa kabilang kwarto na kung saan ang sariling silid. Humiga ako sa matigas kong kama at pinilit ang sariling makatulog.
HAHA! F*ck! Ang sarap ito, pre...
Napabalikwas ako ng gising at nagmamadaling bumango saka tinakpan ang magkabilang tenga. Subalit kahit anong gawin ko ay naririnig ko pa rin ang mga boses nila.
Gusto kong kumawala sa kanila kahit wala naman humahawak sa'kin. Sigaw ako ng sigaw para pigilan sila ngunit hirap na hirap akong kumawala.
"Tama na! Tama na!"
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Ação| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...