Harriz
Kasalukuyan nagdadrive ako papalabas ng city para hanapin ang taong pinapahanap sakin ng assasin na 'yun. Until now, hindi ko pa rin alam yung totoong pangalan niya dahil wala naman akong lakas na tanungin siya. Naalala niyo ba kung ano ang sinagot niya sakin noon? Ni hindi ko kayang intindihin iyon kaya wala naman akong maipapala sa kanya kung pipilitin ko ito.
Mga ilang oras na rin ako nasa daan at napagdesisyonan na magpahinga muna sa isang mini stop na nakita ko. Pumasok ako doon atsaka bumili agad ng maiinom. Hindi muna ako lumabas kaya umupo ako saglit sa mga chair at tables nila habang nakatingin sa labas.
This place is no where to be found. Sobrang layo na niya sa main city at halos makikita mo na lang sa daan ay mga tanim, mga maliliit na bahay, at kung ano-ano pa.
Kinuha ko yung larawan na sinulatan niya noong nakaraan na pinuntahan ko siya sa Southville. Tinignan ko ulit at binasa ang pangalan saka lokasyon ng sinasabi niya.
"Paano ko mahahanap ang taong 'to, kung hindi ko naman kilala ang itsura niya?" tanong ko sa sarili.
Mahinang bumuntong hininga ako saka uminom mula sa inumin na binili ko. Muli akong sumandal sa upuan at tinitigan ang buong paligid.
Pagkatapos kong magpahinga doon saglit agad akong bumalik sa kotse para makaalis na uli ng biglang tumunog ang cellphone ko. Pumasok muna ako sa loob ng kotse bago ko sinagot ang tawag na iyon.
"Love?" panimula ko habang inaayos ang sarili sa driver seat.
"I'm sorry, I called...." parang matamlay niyang anas mula sa telephono kaya bigla akong nag-alala.
"Are you sick?" nag-alalang tanong ko.
Subalit hindi siya kaagad nakatugon ng marinig ko siyang tinawag ang isang tauhan ko parang inuutusan ito.
"N-not really...." aniya pa rin sa pinakababang tuno ng boses.
"No, you are." seryosong anas ko pero tinawanan niya lang ako ng mahina. "Uminom ka na ng gamot, Krisana. Don't be so stubborn."
"Kakagising ko lang, Mr. Harriz. Pasensya na-- Achu!"
She sneezed. Stubborn, Love!
"Bumaba ka na dyan or asked my people to help you. Eat your food then take your medicine." Magsasalita pa sana siya ng inunahan ko na ito. "I swear, Krisana! Pang ako bumalik dyan na hindi ka pa rin magaling malilintikan ka sa'kin."
"Fine! Fine! Ito na po tatayo na." At parang padabog siyang tumayo sa kama. "And you take care of yourself out there. Pag ikaw na wala ewan ko na lang sa'yo."
"Haha! I will, Mrs. Harriz."
And we ended our call.
Muli kong binuhay ang makina ng kotse at bumalik sa daan. Sa mas lalong tumatagal ang byahe ay mas lalo kong napapansin na unting-unti umiiba ang dinadaanan ko. Halos wala na akong nakitang mga kotse. Tanging mga bike, motor, at tricycle na lang ang madadaanan ko. Parang probinsya na ang lugar narating ko. Hanggang sa hindi ko na alam ang daan na sinasabi sa sulat niya kaya sandali akong naghanap ng mga taong pwede kong tanungin pero walang may nakakaalam.
Gumagabi na kaya naghanap ako ng lugar ng pwedeng tulugan papalipas ng gabi. Bukas na ulit ako maghahanap. Napagod na rin ako sa pagmamaneho. Kinakailangan kong magpahinga muna. Hindi ko na nagawang matawagan si Krisana dahil sigurado akong nagpapahinga na rin ito. Medyo natagalan pa akong makatulog ng maalala ko na naman ang mukha ng assassin na iyon .
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Action| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...