✓Chapter 89

53 4 29
                                    

Trinity

       "WAAH! Oh my gosh! Oh my gosh!" Halos parang mahimatay na ang mga taong nanunuod sa'min pagkatapos ang walang kwentang kasalanan naganap!

"Congrats mga marupok!" Agad akong bumitaw sa kanya ng pumagitna si Kenny sa'min para akbayan kaming dalawa. "Kinilig si Bunso! Ayiee! Picture nga tayo."

Wala na ako sa mood para sa ganitong kalukuhan kaya isang click pa lang ng camera. Agad akong lumakad papalabas ng booth. Narinig kong tinatawag pa nila ako. Ngunit hindi ko na kaya yung nanunuyong dibdib ko sa--- Ang p*ta! Di ko mapaliwanag yung nararamdaman ko! Masyadong mainit at nakakabaliw ng isip.

Pagkalabas ko ng booth agad kong nilibot ang paningin sa kabuuan ng campus. Para hanapin silang dalawa at di naman ako nabigo dahil, nahanap ko din naman sila.

Kalmado na pero nag-uusap pa rin. Hindi pa rin ba kayo tapos?!

Lalapit na sana ako sa kanila ng biglang may pumigil sa'kin at sa pagtingin ko. "Vee..."

Mahinang tumawa siya, "Hi! Sorry... hinahanap ko kasi si Chrizzy. Nagbabasakali akong may alam ka."

Damn! Vee!

Tutugon na sana ako ng napabaling ang paningin naming pareho ng biglang may tumawag sa pangalan ko.

Mabilis silang lumabas ng booth at agad na lumapit sa kinaroroonan namin.

"Ai! Nandito ka lang pala, Raine." bungad agad ni Vee saka siya nito nilapitan para makausap.

"Ano ang problema mo, Trin? Nagkakasayahan lang naman tayo ha? Ang killjoy mo." Hindi ko sila pinansin at sinuklay na lang yung buhok ko gamit ng mga daliri. Dahil kahit ako hindi ko din mapaliwanag kung bakit ganun ang naging reaksyon ko ng makita ko silang dalawa. "Parang di ka na mabiro ha... meron ka ba? Muntikan pang mapahiya si Bunso kanina sa'yo."

"Tsk! Alam ko pero hindi ko sinasadya."

"May nangyari ba?"

"W-wala."

Napamulsa akong tumayo at pinakinggan ang mga pinag-usapan nilang dalawa sa gilid ko. Samantala pinapanuod namin sina Vee at Chrizzy na nag-uusap sa harap namin.

Mayamaya naririnig ko ang malakas na pagtawa a pagyayabang ni Kenny sa pangita niyang mukha. Hindi naman naniwala si Axel at kinuha mula sa kanya ang camera.

Bakit ganun? Bakit wala akong nararamdaman ng ginawa namin ang walang kwentang kasalan na iyon. Ngunit dapat meron akong nararamdaman kahit kaunting hiya o kiliti sa puso. She's my first love, but why? I thought I'm just afraid to lose her and that's why I seek for attention from Shishiu. This is not right! I think there's something wrong...

"G*g*! Mukha kang mangaagaw sa itsura mo."

"Huy! Walang ganyanan! Kay Trinity na'to. Mahal ko si Bunso pero bilang kapatid lang."

"Haha! Oh! Ba't defensive?!"

"Axel! Halikan kita diyan e."

"What? Sayang naman."

Napabalik ako sa reyalidad ng makitang naglalakad na silang papalapit ulit sa amin habang may pinag-uusapan pa rin.

"Sorry talaga. Importante lang. Saka marami pa naman tayong oras para magkasama ulit."

Assassination Incorporated | SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon