✓Chapter 10

155 42 34
                                    

Trinity

Kumportable akong nakaupo sa gitna ng entablado kasama ang apat na nangungunang estudyante ng Southville International School Affiliated with Foreign University, habang ang lahat ay nakikinig sa kanilang walang takot na punong-guro na nakatayong matatag sa harap namin.

"2 days from now, the Official Opening of our School of Survival will be started. So, today's meeting is probably our another preparation and reminders for this big event. Last week, nagsimula na kaming kumuha ng mga survey sa mga iba't ibang universities. Ngunit walang niisa ang nakapasa sa ginawa naming pagsubok. Kaya, ang apat na sister school ng Southville na lang ang pag-aattend. Alam kong alam niyong meron tayong pitong campus pero ikakalungkot kong sabihin na hindi kayang makadalo ang dalawang natitirang paaralan natin. Hindi ko muna sasabihin kung anong Southville ang pupunta dito, dahil gusto naming sa mismong Opening Ceremony ng SOS ninyo sila makikilala. So as for SISFU, you must be prepared in different games or competitions by team color houses." Talagang diniin niya ang huling salita at tinitigan ang buong estudyante ng SISFU. "We'll continue to perform the same thing for this exercise. Students who participate in activities, tournaments, and battles will be excused. The others should stay in their classrooms since you still have classes. During your free time, you should watch and cheer for our players in various games. I'm keeping an eye on each of you. So don't let me sign your document with my hands."

Agad na sumilay ang mga ngiti at pagtawa nilang lahat ng marinig ang birong pagbabanta ni Sir Jezphire. Pero may iba naman nagbubulungan at nagkikipagkwentuhan.

Nakatayo silang lahat sa harap ni Sir Jezphire pero mukhang hindi nila ito masyadong sineryoso. Sa kabutihang palad, karamihan sa kanila ay may ganitong uri ng trabaho samantalang hindi katulad namin. Ang napili na may kakaiba at lihim na gawaing hahawakan.

"Please accept our apologies, Faculty and Staff, to the SSG Officers. They can be excused at any time, so don't get in their way. They have important duties to fulfill, especially during their time at work. Student Council Officers will supervise all activities, including registration for various tournaments and games. Please list your names in the paper provided a the table." Sabay turo niya sa likod ng gym kung saan may makikita kang napakahabang lamesa. "Form your lines and kindly no pushing. I don't like immature attitude, so don't messed with me. Any questions?"

Pansin ko ang mag angat ng kamay ni Chrizzy habang nakaupo, "Sir Jezphire, are we really allowed to participate on different games in School of Survival?"

Lumingon naman bigla si Sir Jezphire sa kanya ng maitanong ito sa kanya. Dahan-dahan rin siyang lumapit na parang hindi naiintindihan ang tanong nito.

"Come again, Miss Vargas."

"Well, I mean..." Huminga pa siya ng malalim bago ng patuloy. "Paano kung walang representative sa isang games? Pwedeng- pwede ba kami sumali kung walang taong maglalaro?"

Tama si Chrizzy...

Karamihan sa mga kalahok ng Maroon Dragons ay medyo abala para sa buong buwan ng SOS. Kailangan namain pasukin ito kung hindi ay magiging wala ang koponan. Ngunit sa palagay ko ay hindi isasama ni Sir Jezphire ang anumang court at field sport sa aktibidad na ito.

Assassination Incorporated | SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon