Trinity
Binuksan ko ang gripo at agad na naghilamos ng mukha saka tinitigan ang sarili sa salamin. I look so frustrated at namumula pa ang tenga at leeg ko--Shit!
Napahawak ako sa batok at huminga ng malalim. Damn! It's so uncomfortable to feel this way.
"...kitang-kita ko kung paano mo siyang titigan, kung paano ka ngumiti, at kung gaano ka kasaya sa tuwing nasa tabi o kasama mo siya. Iba, Trin. Iba ang nakikita ko pag siya na 'yung kasama mo."
Napasandal ako sa katabing pader at marahil napapikit ng maalala ang sinabi ni Chrizzy sa'kin kanina.
Pagkatapos kong kumain agad akong nagpaalam sa kanila para pumunta dito. Hindi ko na nagugustuhan ang nararamdaman ko sa paligid. Lalong-lalo na sa ginawa kong biglang pagtayo kanina na di ko naman alam kung bakit ko 'yun ginawa.
"Ayaw kong pumili pero ayaw kong may mawala isa sa kanila." Bumuntong hininga ako at muli napadilat saka pinahiran ang basang mukha gamit ng malinis na tuwalya. "Aah! Come on, Trinity! Hindi pa sapat ang lahat para sabihin mo ang mga bagay na 'yun! Wake up!"
I sound like crazy and stupid here, I even messed my hair and scream.
"P-president?"
Mabilis akong napatingin sa taong pumasok dito. Mukhang takot na takot at gulat na gulat habang nakatingin sakin.
"I-I'm sorry po, di ko naman po alam na nandito kayo." dagdag niya.
"H-ha?A-Ahm... No, it's okay. Hindi ikaw yun---" " Napaisip ako sa sinabi niya at napagtantong sumigaw nga pala ako. Mukhang akala niya siya ang sinisigawan ko sa inis.
Natigilan ako at napagdesisyon ko na lang na lumabas. Samanta napayuko siya hanggang sa tuluyan na akong makalabas doon.
Kasabay ng paglabas ko mula sa loob ng comfort room. Halos tumalon na ako sa gulat ng biglang sumulpot ni Shishiu kung saan kaya, inis ko siyang hinarap muli.
"Pinasabi nilang mauuna na daw sila sa'yo." Pagharap ko iyon na agad ang bungad niya.
Muli akong napaatras, "Sh!t! ka, Shishiu! Papatayin mo ba ako sa gulat."
"Meeting."
"Ha?"
"Hakdog!"
Ang p*t--- Umiling ako saka huminga ng malalim at sinalubong ulit ang paningin niya.
"Kanino mo naman natutunan yan ha?!" napipikon kong bulyaw.
Natigilan siya at napaisip, pero muli din nakabawi saka nakipagbalikat.
Pakiramdam ko nawalan ako ng kaluluwa ng bigla siyang sumulpot kung saan. Parang multo talagang ito na lumitaw na lang bigla.
"Meeting kasama si at saan sila?" tanong ko.
'Yun nga lang bigla niya ako tinalikuran at habang naglalakad inunat-unat pa nito ang braso.
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Action| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...