Trinity
Ito na naman siguro pinakamasayang araw pa sa'kin. Matagal-tagal din ang hinintay ko at sa wakas pagkalipas ng isang buwan nakasama ko na rin ulit si Master Pierre. Ni siya pa nga mismo ang gumising sa'kin kaninang umaga sa mismong unit para makapagsimula na kami ulit sa pag iinsayo. Maaaring kaya kong sanayin ang sarili na mag-isa pero iba talaga pagkasama ko si Master Pierre.
Katulad sa nakasanayan naming ginagawa. Hindi kami nagtatraining sa loob ng Manila Polo Club. Ginagawa namin ang mga bagay na ito sa sikretong lugar na kung saan kami lang ang nandppm. Walang ibang tao na maka istorbo at gagambala. Tulad nga sa dati sa sinabi ko, ito ang dahil kung bakit magkaiba ako sa kanila. Maswerte ako sa kanya dahil simula nung siya ang pinili kong maging tagapagsanay ay hindi pa ako nakakaranas ng pananakit niya. Hindi katulad sa kilala kong tao na halos kulang na lang magpatayan sila. Sa tuwing naiisip ko ang taong iyon ay parang gusto ko siyang suntukin sa mukha. Gayunpaman, wala pang kahit sino ang nakakita sa pag iinsayo naming dalawa ni Master Pierre dahil kung tutuusin. Mas mahirap at mas delikado ang pinagagawa niya.
"What's with your smile, Wexler?" biglang asar niya sa'kin.
Matapang ko siyang binalingan ng tingin, "I cannot stop myself from seeing you on the ground, begging for your life."
"Ang tapang mo na ngayon, Wexler." mapaglaro niyang sambit at napangisi pa. "Pero, hindi ako natatakot sa'yo..."
Tumawa pa siya ng malakas at binagsak ang dala nitong mga gamit. Agad din niya akong hinarap saka inaasar na tinitigan. Kumunot ang noo ko sa kanya ngunit pmwesto na siya sa gitna at sinensyahan akong lumapit doon.
Napailing-iling at napangiti na lang ako sa kanya. Mabilis ko rin binagsak ang mga gamit sa damuhan saka lumaout sa kinaroroonan niya.
"Alam mo ba kung ano-ano ang mga bagay na dapat mong gawin bago simulan ang isang laban?"
"Planning?" paghuhula ko.
Umiling siya, "It's not about physical preparation, Trinity."
"Oh, you mean---"
"Before the battle of the body, there is a battle of the souls."
"W-wait, Master---" Hindi ko na nagawang tapusin ang dapat na sasabihin ng agad niyang akong pinutol.
"At your position!"
Pumuwesto naman siya na para bang makikipaglaban ng kamayan. Wala akong nagawa kundi huminga muna ako ng malalim na hininga saka pumwesto rin. Pinantay ko ang kamay naming dalawa at tinuon ang paningin sa mga mata nito.
Kailangan kong magfocus at pakalmahin ang sarili, dahil kung hindi baka matalo ako.
"You seem relaxed." asar niya.
Ngumisi ako sa kanya, "Let me teach you the art of being beautiful with a god's soul."
Agad na tinapi ko ang kamay niya at naunang umatake. Siniko ko ang mukha niya pero mabilis niyang napigilan at tinulak iyon papalayo. Mabilis din ang naging kilos ko para baguhin ang pag atake. Gamit ng isa ko pang kamay ay agad na sinuntok ko siya pero nakailag ito at tinapi ang kamay kong susuntok sana sa kanya. Biglang umangat ang paa niya para sipain ako, ngunit mabilis ko rin iyon sinipa para pigilan ang gagawing pag atake. Agad na umatras ako mula sa kanya para lumayo ng kaunti. Sadyang gusto niya ng sunod-sunod na pag atake kaya lumapit agad siya sa kinaroroonan ko at umatake na naman sa paraan ng sobrang bilis na pagkilos ng mga kamay. Hindi naman ako nagpatalo sa pagkikipaglaban.
Tinanggap ko lahat ng atake niya at ginantihan rin siya sa paraan ng alam kong di niya ako madadala sa estilo ng pakipaglaban.
Bahagyang pinuri pa niya ako at automatikong may gumuhit na ngiti sa mga labi ko.
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Aksi| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...