✓Chapter 70

48 8 18
                                    

Trinity

     Ramdam na ramdam kong napabaling sa kaliwa't kanan habang sinusubukang hinahanap ang bagay na hindi ko alam kung anuman iyon. Ngunit ilang saglit pa ay biglang akong may nakita. Humakbang ako papalapit doon ng dahan-dahan. Malapit na sana ako ng bigla itong nawala sa paningin ko. Bigla akong nataranta at napatingin sa buong paligid para hanapan iyon, ngunit bigla akong bumagsak.

Dugo? Bakit punong-puno ng dugo ang sahig ng napaluhod ako? Kaninong dugo ito? Saan galing ito?

Mabilis akong tumayo habang tinitigan Ang mga kamay ng punong-puno ng dugo. Nanginginig na napaatras ako at di mapigilan ang kaba sa dibdib. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng buong katawan, pati na din ang mga luhang tumutulo sa mga mata ko.

W-what's going on?

Ilang saglit pa ay bigla akong napasigaw na hindi. Takot na takot akong binitawan ang hawak na sandata ng makitang punong-puno rin ito ng dugo. At sa pagtingin ko muli sa paligid.

"P-paano? H-hindi! Hindi ako ang may gawa nito."  naiiyak kong sambit.

Nanginginig akong lumuhod sa katawan nila at sinubukang buhayin ang mga ito. Ngunit wala na akong nararamdamang pulso. Sinubukan ko silang gisingin subalit hindi na mga ito humihinga.

Trinity!

Mabilis akong napalingon ng may naramdaman akong kamay na humawak sa balikat pero isang---

Hingal na hingal akong napabalikwas ng gising. Napapamura pang ng mapaupo sa kama habang hawak hawak ang ulo't dibdib sa kaba.

Damn! What was that?!

I can still feel my body trembling so hard. I even cursed at the top my head. I took a very long breath and try to control myself before standing up and walk through my kitchen to get some water to drink.

Nang makainom na ako agad akong napasandal sa lamesa at inisip ang pinaginipan.

Subalit iniling-iling ko ang ulo ng maalala ang malalangkit na dugo ng mga kaibigan ko. Alam kong parang isang masamang babala ito. Kaya saglit akong pumikit para magdasala.

Pagmulat ay napatingin ako sa oras ng napansin hindi pa din sumisikat ang araw.  Napagalamang kong alas tres palang ng umaga. Marahas akong napasuklay ng buhok at lumabas sa kusina. 

Wala akong nagawa kundi lumabas para magpapalipas ng oras. Kailangan kong maghintay ng dalawang oras para mag alas singko--- Wait! Sh!t!

"Oh, great! I have my training!" At sa isip ko na lang napamura.

Paano ako magtatraining nito kung wala akong tamang tulog at lakas?! Napakagaling mo talagang tao, Trinity.

Kung hindi lang sana ako nasali sa Association ay hindi ako sasanayin ulit sa huling beses ni Master Pierre.

Natatakot pa rin ako pero batas nila ang sinaway namin. At hawak na hawak nila ang leeg namin kapag hindi namin nagawa ang bagay na gusto nila. Ayaw kong sabihin kay Dad tungkol dito. Dahil kahit hindi ko man sasabihin. Maniguradong nalalaman niya pa rin sa mas lalong madaling panahon.

Nakalabas na ako ng building ng bigla akong natigilan ng marinig ang boses ni Axel. Huminto ako at hinintay siyang sumabay sa'kin. Saka ko lang din napansin ang suot niyang pajama, t-shirt, at jacket habang naka tsinelas lang ito.

"Bakit nandito? Hindi ka ba umuwi?" punong-puno ng pagtataka ko.

Napalagutok siya ng dila, "Nakitulog ako sa condo ni Kenny. May training tayo mamaya sa M.A.C., hindi ba?"

Assassination Incorporated | SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon