⚠️WARNING:
This chapter will contain of some violence and strong parental guidance!
ChrizzyDi ko mapigilan na mapangiti habang tinitignan ang mga gamit ko. Meron na akong ganito pero iba lang talaga sa pakiramdam kapag bago.
Napaisip tuloy ako nung unang beses na magkaroon ako nito. Sobra akong nagtataka ako 'nun kung bakit may ganung nakalagay sa damit ko. Pero, sa tumatagal ang panahon naiintindihan ko din ang lahat.
It's been a long time....
Napatingin ako bigla Kay Kenny ng marinig ang gigil niya sa tuwa. Umiling-iling naman ang ulo ko dahil sa kapaguran na intindihin ang kaibigan.
"Oh, yes! Sa wakas, nadagdagan rin yung collections ko!" masiglang wika ni Kenny.
"Sino ang nagpagawa nito? Ang akala ko ba sakto na yung ibinigay nila nung nakaraan." naguguluhang wika ni Trinity.
Kita kong umupo siya sa upuan habang tinitigan din ang mga bagong gamit.
Kahit ako siguro ay walang ideya kung sino ang posibleng taong magpapagawa ng panibagong jersey shirt namin. Malayo pa man yung tournament at inter-school ng Southville pero parang ang aaga naman nilang pinagawa ito.
"Di rin namin alam. Lumabas ako nun para kumuha ng pagkain pero pagdating ko dito. Nandito na ang mga 'yan." sagot ko.
"Perhaps, it's Jezphire...."
Nakipagbalikat ako, "Siguro nga...."
"But I still doubt it."
Nilingon ko ang dalawang lalakeng na abala masyado sa mga gamit nila at para bang hindi nila kami napapansin.
Mahina akong umubo para Kunin Ang atensyon nilang dalawa. Agad Naman silang lumingon at parang inosenteng pa ako tinignan ng isa sa kanila.
"Parang di niyo lang kami naririnig nag-uusap dito eh noh? Pansin-pansin rin." sambit ko.
"Bakit? Ano ba 'yun?"
Minsan nakakainis na pero ang sarap talagang sapakin ang isa sa kanila. Pero, mukhang hindi ko na kakailanganin iyon dahil sinapak na siya ni Axel.
Kaagad akong nagpasalamat sa kanya ngunit ganun na lang din ang gulat ko ng bigla kaming nagkasabay ni Trinity. Napatingin ako sa kanya at mukhang ganun rin ito kaya sabay na naman kaming tumawa.
Umupo na rin ako sa upuan ng makaramdam nang pagod sa kakatayo buong araw.
Mabuti pa 'tong upuan, nilalamig na.
"Saang galing ang mga 'to, Axel?" tanong ulit ni Trinity.
"Sabi nung isang estudyanteng nagdala niyan dito. Galing daw kay Master Pierre. Di na lang rin ako nagtanong. Agad kong pinapasok at pinalagay sa kanya dito."
Umayos ako ng pagkakaupo at nilingon si Wexler. Natigilan ito at di makagalaw sa kinauupuan.
Iba talaga ang epekto sa kanya kapag si Master Pierre yung pinag-uusapan.
Ngunit mayamaya pa ay mukhang nagising na siya mula sa malalim na pag-iisip sabay buntong hininga ng basagin ni Kenny ang katahimikan namin.
"Pierre? You mean--- Master Pierre.Trinity's Master?"
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Acción| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...