⚠️WARNING:
This chapter will contain of some violence and strong parental guidance!
HarrizHinanda ko ang sarili sa gabing ito habang nasa speed boat kasama ang iba ko pang mga tauhan, samantala ang iba ay napaiwan sa yacht. Napatitig na ako sa cruise ship na nasa harapan namin pero sana hindi na lang ako tumingin dahil mas lalong kumikirot ang puso ko sa galit na nararamdaman ko kanina pa. Gustong-gusto ko na silang patayin gamit ng kamay ko dahil sa ginawa nila kay Krisana. Kung ako lang naman ang pakay nila sana ako na lang ang pinuntahan ng mga ito. Hindi si Krisana dahil wala siyang kinalaman dito. Labas siya sa kung ano ang nangyayari sa paligid ko.
"Boss, walang tao pong nakapaligid sa gilid ng ship nila." biglang wika ni Lui habang nakaharap sa device niya.
Tumango agad ako sa kanya at hinanda ang baril ko. Tulad sa sinabi kong walang buhay ang mabubuhay ngayon gabi. Nakahanda Ang bawat bala ko para sa kanilang lahat.
Pagkalapit namin sa gilid ng barko ay walang katao-tao nga ang nandoon. Agad akong bumaba at ganun rin naman sila. Kinasa ko ang dalawang baril na hawak at hindi na sila hinintay na makalapit sa'kin. Nauna na akong pumasok sa loob pero nasisigurong nag-iingat dahil hindi ito ang teritoryo ko. Pagkalabas ko mula sa isang pinto sandaling nagtago ako ng may dumaan na mga armadong lalake.
Napatingin ako sa paligid at manghang-mangha ako dahil sobrang high tech at kakaiba ang cruise ship na pinag may ari ng kalaban. Kaya pala ang kampante niyo kahit walang bantay.
"Boss, may nakakita po ng yacht natin." rinig kong wika ng isa ko pang tauhan na nasa yacht mula sa suot kong earpiece.
Napamura muna ako bago siya tinugunan, "Kaya niyo 'yan. Alam niyo na ang dapat niyong gawin."
Kinuha ko ang silencer at nilagyan ang mga baril na dala. Ngunit kakalagay ko pa lang ay may narinig na akong mga taong papasok sa kinalalagyan ko kaya mabilis ako naghanap ng pwedeng tataguan pero sadyang nabigo ako.
Wala akong nagawa kundi gumante sa pakikipaglaban. Huminga ako ng malalim at hinintay na makatapat ang isa sa kanila sa pinto saka ko siya biglang sinuntok sa mukha. Kumilos agad ang kasama niya pero mas mabilis akong bumaril sa kanya. Tatayo na sana yung sinuntok ko pero agad ko siyang binaril sa noo.
Di ko na kayo pagbibigyan na mabuhay pa. Hindi sapat ang pasensya niyo sa apoy na dinulot niyo.
Tumakbo agad ako pagkatapos at biglang may sumalubong na naman sa akin. Pero, gamit ng dalawang baril ay pinababaril ko kung sino man ang humaharang sa dinadaraanan ko.
"Nandito na sila." rinig kong sigaw nila.
Oo nandito na ako kaya maghanda na kayo.
Mahigit lima sila at iisa lang ako. Anong klaseng laban 'to.
Nagtago muna ako ulit sa isang pader ng ginantihan nila ako. Pinakinggan ko lang ang mga balang tumatama kahit saan hanggang sa tapos na silang bumaril.
Napangisi pa ako bago tuluyan lumabas ulit at hinarap sila. Kasabay ang pagputok ng dalawang baril ko sa kanila.
Welcome to hell, everyone.
"Maybe this is not my place, but I can make it my own." mapang-asar kong sambit sa isang lalake. Minurahan pa niya ako bago ko siya binaril sa puso.
Ngiting tagumpay akong naglakad ulit at nirelease ang case ng baril ko para lagyan ng panibagong bala. Tamang-tama pagkalabas ko na sa main lobby nila ay may sumalubong na naman sa'kin.
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Action| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...