✓ Chapter 34

107 35 11
                                    

Trinity

       Huling ayos na lang talaga ng kaunting pinta at matatapos na ako. Dahan- dahan at maingat kong nilagyan ng signature ang painting na ginawa sa bahagyang ilalim ng canvas cloth. Automatikong napangiti naman ako habang pinagmamasdan ang gawang pagpipinta. Halos abutan na ako ng isang oras para lang matapos ito, dapat lang makaramdam ako ng kaginahawan at kasiyaha dahil sa wakas nakapinta din ako ulit.

Nagugustuhan ko ang paraan ng pagawa kong pag isahin ang buwan sa araw. Sobrang daming ibig sabihin ito para sa'kin. Sa pakiramdam ko ito na Isa sa mga masterpiece na nagawa ko kabilang sa 'The Moonlight'. Dahil may kakaiba akong nararamdaman sa painting na ito. Yung tipong para sobrang importante at parte siya ng buhay ko, ngunit hindi ko maipaliwanag. Sana may oras pa ako ulit na makapag pinta. Kailangan ko talaga bigyan ng oras ang bagay na ito.

Dahan-dahan kong inilagay iyon sa isang tabi  para patuyuin muna. Ilang saglit pa ay biglang may sumagi sa isip ko at naalala kung saan ko nga ba nakita ang mga simbolong ginuhit.

Katulad pala iyon sa tattoo na malapit sa balakang ko. Hindi ko nga din alam kung bakit meron akong ganito sa katawan. Ngunit simula nung bata pa ako ay meron na akong simbolo nakatatak doon.

Iniligpit ko na ang mga gamit na pinagagamitan kanina. Inayos ko na din muna ang sarili bago lumabas ng workshop at nilock ang pinto. Paglabas ko mula sa loob ay parang na nagulat pa ako ng makitang medyo gumagabi na pala.

Napatingin ako sa suot na relo para tignan ang oras. Mag-alas kwatro na pala ng hapon.

"4 hours of painting..." dismayang sambit ko habang nakatingala sa langit. "but its not enough."

Agad akong sumakay sa sariling kotse at nagmaneho pabalik ng paralaan. Pagdating doon ay tinahak ko ang daan papunta sa opisina para kunin ang mga gamit ko. Inaayos ko pa ang pagkakarolyo ng sleeve ng polo ko habang naglalakad. Isinirado ko na din ang ibang buttons na nabuksan kanina dahil sa pagpipinta.

Nakalayo na ako sa parking lot at paakyat na sana ako sa main building nang may napansin ako kakaiba sa dinaraanan. Sandaling napahinto at napatingin ako sa direksyong iyon, pero wala akong may nakikitang tao.

Parang baliw din akong nagsasalita para tawagin kung sino ba ang taong nandoon pero walang sumasagot. May nararamdaman talaga ako sa buong paligid na para bang may matang nakatingin mula sa malayo at nagmamasid. 

Mabilis na kinapa ko ang sarili para maghanap ng pwedeng gamitin na panglaban. Ganun na lang din ang paghinga ko ng maluwag na may dala pala akong lapis na mukhang galing pa ito sa workshop. Hinanda ko naman agad ang sarili sa kung ano ang posibleng mangyayari.

Mayamaya pa ay napamura ako ng muntikan ko ng ihagis iyon sa babaeng dumaan sa dulo ng hallway. Estudyante lang pala iyon SISFU dahil sa suot niyang uniporme. Buti na lang at napigilan ko ang sarili. Ngunit sandali akong natigilan ng makilala kong sino ito. 

Nagmamadali kong tinuon ang daan na dinaanan niya at sinubukang hanapin siya sa paligid. Pero, napabaling-baling na ako ng ulo ay hindi ko pa rin siya nakikita. 

"Huy, teka! Sandali! Tumigil ka!" rinig kong sigaw ng isang babae.

Is that Miss Nilda? 

Bahagyang napalingon naman ako sa babaeng sumigaw nun at tumakbo ng mabilis saka lumiko sa isa pang hallway. Mabilis akong tumakbo sa direksyon na kung saan narinig ko ang boses nito at agad na bumungad sa'kin na hawak-hawak niya ang leeg ng isang babae---

It is her again...

"G*** ka! Ibalik mo ang kinuha mo!" nagliliyab sa galit na wika ni Miss Nilda.

Assassination Incorporated | SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon