✓Chapter 14

159 39 28
                                    

Chrizzy

Papunta na kami ngayon sa campus ng SISC. Nilalakad lang namin dahil nasa kabilang kalsada lang naman iyon at hindi ganun kalayo mula sa SISFU.

Pagpasok namin sa hall kung saan nakahanda ang mga snacks nila ay halos nag iingay ang lahat. Meron pang tumatayo sa mga upuan at pumipili ng mauupuan.

Napailing-iling na lang ako saka sumabay sa kanila Trinity na umabante.

Maya't maya pa ay biglang may tumawag sa pangalan ng presidente namin at bumati sa kanya. Kaya, bahagya kaming lumingon sa babaeng iyon na parang kilig na kilig habang nakatingin kay Trinity.

Tsk! Get your own...

Ngumiti lang si Wexler sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad. Habang malamig kong tinitignan tung babae mula sa likuran niya.

Pagdating sa harap ay agad namin inasikaso ang mga pagkain nilang lahat.

"Maayos na ba ang lahat? Yung mga desert nakahanda na rin ba?" pagsusuri ni Axel.

Tumango ang isang estudyante, "Yes, Sir Axel. Nakahanda na po."

Agad na inutos rin nila Trinity na ilabas ang lahat ng ihinanda ng mga SISFU Culinary Arts para makapagsimula ng makakain ang mga estudyante nandito.

Nagbigay daan naman kami para sa kanila. Tuluyan naman nilang nilibot at pinag distribute ang mga pagkain na nasa kanyang kanya serving trays.

Pagkatapos namin ayusin ang mga dapat gawin ay umalis na rin kaming apat. Agad namin pinuntahan ang naka reserve na lamesa para sa amin at kung nasaan din ang mga estudyante ng SISFU nakapwesto.

"Please, start your meal and enjoy!" pag-anunsyo ni Sir Jezphire.

Masayang nagsimula din ang lahat sa pag kain na hinanda ng mga Culinary Arts ng SISFU. 'Di na ako magrereklamo sa magiging lasa nito dahil paniguradong masarap ang mga niluto nilang pagkain.

Tahimik na kumaikain lang kami apat ng biglang binasag iyon ni Kenny tungkol kanina sa nasaksihan.

"Sinasabi ko na nga ba meron silang hindi sinasabi sa atin tungkol sa magiging special guest ng seremonya." pabulong niyang wika.

"Di pa rin ako makapaniwala. Sa buong inaakala natin si Mr. Donovan Wexler lang pala Ang guest natin." anas ni Axel.

"Kaya pala kung bakit hindi pinaalam ni Sir Jezphire kung sinong Head Director ang dadalo ngayong araw."

Huminto ako sa pagsubo, "But why is he hiding his identity and surprising us at the ceremony today?"

"Actually, I planned to ask him yesterday if he was going to the ceremony. But I'm little bit afraid that I will be disappointed with his words again." sambit ni Trinity habang nilalaro ang bread knife.

Mayamaya pa ay sabay kaming napatingin kay Axel ng bigla niyang binagsak ang hawak na kutsara't tinidor.

Kinuotan namin siya ng noo samantala matapang ang mga mata niyang nilingon kaming tatlo.

"We need to figure it out." aniya.

"P-paano?"

"Hahanap tayo ng paraan."

Umiling si Kenny sa kanya, "Pero, Axel. Hindi ba parang----"

"Frost, it is the only way to help Trini----"

"No..." seryosong singgit agad ni Trinity sa kanilang dalawa. "For the meantime, I believe we should let this go. We have no right to question things, especially considering that he is my father. Whatever his reasons for doing this is. Maybe it's for the sake of something between us."

Assassination Incorporated | SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon