Trinity
Naging tahimik ang byahe namin pabalik ng Las Piñas at medyo naabutan kami ng traffic dahil masyadong madaming tao na ang umuuwi ng ganitong oras. Mahigit kalahating oras bago kami tuluyan nakalabas ng Pasay.
Hindi ako dumaan sa main road pabalik ng Las Piñas kaya mga ilang minuto na lang din at makakabalik na din kami doon. Nakatulog naman si Chrizzy sa byahe, mukhang napagod ng husto sa paglibot-libot namin sa MOA. Napagsabihan ko na din siya sa masamang ginawa niya kanina sa kawawang babae na inaway niya. Inayos ko sa kanya yung sitwasyon at sinabi niya din sa'kin yung kinagalit niya. Naintindihan ko na man siya pero mali ang pagpapahiya sa babae na 'yun.
Bahagyang nagulat at hindi ako makapaniwala sa ginawa niya, ngunit hindi ko masabi-sabi iyon sa kanya. Yung tipong babaeng nakita ko kanina sa kanya ay yung parang ugali at kagawian nina Abby at Claudia. Hindi ugali niyang magtaray, magpahiya, at mas lalong-lalo ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.
Maingat na pinipark ko ang kotse sa bakanteng lote ng residence at pinahinga muna ang makina. Tinignan ko siyang natutulog pa rin at napag-isipan na gisingin siya. Dahan-dahan ko siyang niyugyog para magising ito. Hindi naman ako nabigo at unti-unti nga siya nagmulat.
"Nandito na tayo." Sinuklay ko ang buhok niya habang napaayos naman ito ng upo. "Maganda yung tulog mo ha. Did you sleep well?"
"Mmm! I think, yes." inaantok niya wika saka bigla pang inunat ang mga braso.
"Haha! Tara na. Ihahatid kita sa unit mo."
Lalabas na sana ako ng bigla niya akong pinigilan. "Ihahatid mo ko? Teka, wag na. Gabi na din oh. Kailangan mo din naman magpahinga."
"Baby, ano naman ang masama doon? Gusto ko lang na samahan ka atsaka hindi ito ang pang-unang beses na pumunta ako dito. I live here once. And besides, you have lots of things that you needed to carry."
Napatingin siya sa backseat at tumingin din ako doon. Kita naman niya agad kung gaano karami yung pinabili niya kaysa sa'kin. Sa huli, pumayag din naman siya at hinayaan akong ihatid siya hanggang sa unit nito.
"Thank you for today. I enjoy a lot." nakangiti niyang pagpapasalamat sa'kin.
Parehong nasa tapat na kami ng pinto niya pero hindi pa rin niya ito binubuksan. Napangiti din naman ako sa kanya at inabot ang mga di ko na mabilang na paper bags.
"Me too. Thank you for your day. I do really enjoy it too."
"Haha! O'siya, pasok na ko. At kailangan mo na din umuwi. Kita na lang tayo bukas."
Dahan-dahan na tumango ako bilang tugon habang nasa loob na ng bulsa ko ang magkabilang kamay. Hinintay ko siyang mabuksan at makapasok talaga ito sa unit niya ng bigla itong napahinto.
"Oh! By the way, about sa--- aah! Nevermind! Bukas ko na lang sasabihin."
Kunot ang noo ko siyang tinitigan at."Tungkol saan?"
"Basta! Bukas ko na sasabihin."
"Bakit hindi na lang ngayon?"
"Trin, you have to drive pa papauwi. Kung sasabihin ko ngayon 'to sa'yo, aabutan ka ng alas dose. Sigurado ako kapag nalaman mo 'to. Punong-puno at libong-libong katanungan ang ibubuhos mo sa'kin. Kaya bukas na lang para mas mahaba yung oras." Minaliitan ko siya ng mata, na parang kinukumbensi siyang sabihin na lang ito sa akin ngayon. "Stop, Trin! Delikado ang daan ngayon. Madaming mamatay-tao, gangster, o ano-ano pa ang makakasalubong mo diyan sa daan. Aba! Paano kung pagtitripan ka nila? Hindi pwede 'yun!"
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Action| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...