✓Chapter 83

49 5 26
                                    

Kenny

     "Stable naman pala ang kondisyon niya. Bakit pa natin ginawa yung CT Scan?" Kakapasok pa lang niya iyon na kaagad ang bungad sa'kin. Iniwan niya kasi akong mag-isa dito sa hospital room ni Bunso para bumili ng pagkain, pero wala man lang 'I miss you'

"Utos iyon ni Wexler, bakit parang ako pa ang may kasalanan? Parang ako pa yung may mali?" Mabilis pa sa alas kwartong umiwas ako sa tinapon niya saka siya sinamaan ng tingin. "Ax! Pag ako tinamaan nun. Ipapahalik kita sa aso!"

"Tapang ha? Sige, subukan mo nga." gante niya at nilagay ang mga pagkain namin sa lamesa.

"Oo, gagawin ko."

Tingnan niya ako, "Talaga?"

"Paano na lang kung magkasugat ako? Ano na lang ang sasabihin ni Tomboy sa mukha kong sinira mo?"

"Teka?! Kayo na ba?"

Natameme ako sa tanong niya.

Tinanong ko pa ang sarili, pero wala kaming sinabing ganun. Ni hindi ko pa siya na tanong ulit dahil pilit niya pa din akong tinataboy.

Nagising ang diwa ko ng bigla niya akong binatukan sa ulo.

"Huy, Bakla! May nangyari ba sinyo? Natahimik ka diyan." Iniyugyog pa niya ako para magising.

"Aray! Asawa ko! Ang sakit nun!" reklamo ko habang hinihimas ang binatukan niya. "Masama bang alalahanin ang nangyari nakaraan."

Oh, f*ck! That great kiss!

"Mind to share?" Chismoso!

"Ano ka sinuswerte?" tapal ko agad. "Go find your own girl and feed her with your love."

Pambihirang lalake 'to! Simula nung pagkabata niya wala akong narinig na may nagugustuhan siyang babae. At hanggang ngayon wala pa rin siyang nagugustuhan? Anong klaseng lalake 'to.

Inabot ko ang mga pagkain na nilatag niya sa mesa. Unang-una kong tinikman agad ang binili niyang soup.

"Aish! Hai, salamat!" maginhawang anas ko ng makahigop ng mainit na sabaw. "Buti na lang bumili ka nito. Puyat na puyat pa naman ako sa pagbabantay kay Bunso."

Muli akong humigop ng sabaw at sumubo ng iba pang pagkain. Ngunit nang mapansin kong hindi pa rin siya kumikibo sa tabi ko ay binalingan ko siya ng tingin. 

"Hindi ka ba kakailan?" malambing kong tanong.

Kahit ganito kami hindi pa rin maiwasan na alagaan namin ang isa't isa. Si Axel lang siguro yung may kompletong pamilya. Ngunit naging independent siyang tumirang mag-isa dito sa Las Piñaa. Upang mag-aral sa pinakamataas sa eskwelahan na magdadala sa kanya sa buong mundo. Pare-pareho kaming mga pangarap pero iba ang pinaglalaban.

"Anong nangyari sa'yo? May sinabi ba akong mali?" Hindi ko naman siniseryoso ang mga sinabi ko kanina. Gusto ko lang na makahanap na siya ng taong magmamahal sa kanya na higit pa sa hiniling nito.

Subalit Hindi ko inaasahan ang sunod niyang naging sagot niya. Isang dahilan na mabitawan ko ang hawak na kutsara. Bahagyang bumagsak pa ang panga ko habang tinitigan siya.

Assassination Incorporated | SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon