Maureen
"Miss, hanggang dito na lang po kayo." pigil nung nurse sa amin ng malapit na kami sa emergency room.
Hindi naman siya ooperahan pero ayaw niya kaming papasukin sa loob. Wala kaming nagawa kundi napaiwan na lang din kaming dalawa ni Mason sa labas. Kuom ang kamay na pinanuod ko silang ipinasok si Palmetto sa pintong iyon at wala pa ring malay. Hanggang sa dahan-dahan nang sumirado ang pinto pero di ko magawang umiwas. Nag-alala ako hindi sa kung ano pero dahil ako ang dahilan kung bakit nangyari sa kanya ito.
"Blythe." rinig kong patawag ni Mason sa'kin.
Naririnig ko siya pero hindi ko siya pinansin, kaya kinalabit niya ako sa braso para hilain. Ngunit nagmamatigas pa rin ako sa kinatatayuan.
Mayamaya pa ay bigla akong napakunot noo ng marinig kong ano ang sinabi ng isang nurse sa Doktor na papasok pa lang sa ER. Bahagya pa siya natigilan at agad din nakabawi, saka nilingon ang isa pang nurse na nakatayo sa likuran niya.
"Doc, Trinity Flynn Wexler po." paalam nung nurse.
"Call Mr. Donovan Topher Wexler immediately."
At nang tuluyan na siyang pumasok sa pinto na pinagdalhan nila kay Palmetto. Hindi ko na napigilan na mapaisip sa narinig kong pinag-uusapan nila at kung bakit parang kakaiba ang mga kinilos nilang lahat.
Ngunit isa lang ang gusto kong malaman ay yung kung ano ang koneksyon ni Palmetto sa mga tauhan ng hospital na'to. At kung bakit kilala ang pamilya niya dito? Ano ba meron?
"Blythe, there's nothing you can do. Let them do their jobs." Mahigpit na pinisil niya ang braso ko na para bang kinukuha at binubuhay ang atensyon ko.
Humugot ako ng napakalalim na hininga at bahagya pang napapikit saka dahan-dahan na umiwas ng tingin.
Tinignan ko siya at ganun naman ang titig niya sa'kin. Malamig ang mga iyon pero makikita mo din ang pag-alala.
"We have to wait... kailangan mong maghintay. Magiging maayos din siya, just like you." Pero bakit parang pilit at mukha kang nasasaktan?
"A-alam ko."
"Tinawagan mo na ba ulit si 46?" paalala niya.
Napailing ako, "Not yet..."
"Call her... siguradong magtataka na 'yun na hindi ka pa rin nakauwi."
"I leave her a message before I called you."
Ngunit muli ko rin naman hinugot ang cellphone dala para tigilan na niya ako. Samantala hinila niya akong makaupo sa waiting area sa labas ng emergency room at nagpahila din ako sa kanya.
Pagkaupo agad kong tinawagan ulit ang numero ni Vee sa'kin. Napaayos ako ng pagkakaupo habang napasandal naman ang katabi ko sa kinauupuan saka nilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng suot niyang pantalon.
Ilang ring na ang narinig ko pero wala pa rin may sumasagot. Maiinis na sana ako ng bigla na niyang sinagot ang tawag ko. Finally!
"Hoy." bungad ko sa kanya.
"Mau..."
"Nabasa mo na ba ang mensahe ko?"
Bigla akong nagtaka kung bakit parang mahina at malumanay ang boses niyang sumagot sa'kin. Nilingon ko si Mason ng bigla siyang sumandal sa'kin at nakitang natutulog ito.
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Aksi| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...