✓Chapter 51

122 34 30
                                    

Trinity

"I'll repeat your order, Sir." nakangiting sambit ni Kenny sa isang customer. "One French Vanilla Ice Coffee, One dozen of Match Donuts, and Two pieces of Nutella Croissant."

Tumango naman ang customer sa kanya at inabot ang bayad nito. Kaagad na inasikaso ni Kenny ang payment at magiging resibo. Sunod na ibinigay nito ang order number, kasama na doon ang suki niya. Kakausapin pa sana niya ako ng biglang may lumapit na customer sa'kin. Mabilis ko din itong inasikaso para kunin ang order nito.

Unang araw namin ngayon sa café shop na pinag may-ari ng kompanya ni Dad. Parte ito ng Negotation Seminar kaya kami nagtatrabaho dito. Kailangan mataas ang makuha naming income at salary dahil doon ibabasi ang magiging grado namin. Subalit hindi pa kami nakapag-isip kung anong product ba ang ibibenta namin dito sa shop. Sa mga lumipas na linggo masyado akong abala sa Council kaya hindi ko nagawang pagplanuhan at tutukan ang bagay na ito.

"Nakapag-usapan niyo na ba kung ano ang magiging product na ibibenta niyo?" biglang tanong ni Kenny.

Binalingan ko siya ng tingin, "We haven't talked about it."

"Ano? Kung ganun pareho pala tayo."

Di ko napigilan ang sarili mapailing-iling ng ulo saka tinapos ang ginagawa sa harap ng cashier. Pagkatapos kong maiabot ang buzzer at resibo ng customer ay agad akong lumapit sa kinaroroonan niya para sumandal din sa counter.

"I'm a busy man, Frost." paalala ko sa kanya habang nakapamulsa ang parehong kamay. "What do you expect from me?"

"Aba! Hindi na iyon imposible para sa'yo, Wexler."

"Tao ako, Frost. Hindi ako robot."

Hindi pa umabot ng isang segundo sinamaan ko na siya ng tingin ng bigla niya akong tinawanan. Ngunit ng biro niya akong sinuntok sa braso ay napalagutok na lang ako ng dila saka umiwas ng tingin sa kanya.

"Ang pikon mo talaga."

"Mas mapipikon ako kapag ipagpapatuloy mo pa 'yan." pagbabanta ko.

"Bakit?" Bahagyang pinagkrus pa niya ang dalawang braso sa dibdib. "Ano kaya ang gagawin ng isang Trinity Flynn Wexler?"

Minaliitan ko siya ng tingin, "Gusto mo ba talaga malaman?"

"Dare me..."

Agad na napangisi ako sa kanya at umayos ng pagkakatayo. Inayos ko pa ang suot na uniporme bago siya hinarap. Kitang-kita ko naman ang bahagyang paglunok niya ng sariling laway. Samantala punong-puno ng kaba at takot ang mga mata nito.

"How well do you think you know me, Kenny Dez Frost?"

"A-Ah... I-I'm not----"

"Then, would you believe if I told you." Dahan-dahan akong lumapit sa kanya habang nakatutok ang parehong paningin ko sa mga mata nito. Halos dumikot na ito sa counter at napaliyad. "I guarantee that I can fire you even without the permission of the owner of this café?"

"W-wexler?"

"Don't dare me to make your life miserable, because I will."

Magsasalita pa lang sana siya ngunit ng makita ko ang sobrang takot niya ay kaagad kong binawi iyon. Parang nanghina pa bigla ang mga tuhod niya at sadyang napahawak siya ito doon habang humihinga ng malalim. Hindi ko naman napigilan ang sariling pagtawanan siya saka ito hinawakan sa balikat.

Assassination Incorporated | SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon