✓Chapter 107

37 4 0
                                    

Maureen

       'I'm willing to accept my punishment. But I'm still not convinced you can pull this off.'

Napangisi ako sa natanggap na email sa isang tao saka binulsa ang hawak na phone. Baba pa lang ako ng hagdan ngunit rinig na rinig ko na ang ingay nilang dalawa mula sa kusina.

Sanay ako na hindi sila masyadong nagkakasundo pero nakakainis na pakikinggan kung paminsan-minsan. Buong buhay namin magkasama naman silang dalawa pero kung makikipag-usap parang kaaway ang isa't isa. 

"We made our own discussions, Cavalari. Huwag mo kong turuan kung ano ang mga dapat kong gawin dahil hindi ko kailangan iyon." madiin na pagkasasabi ni Vee.

Di ko narinig na sumagot ang isa sa kanila hanggang sa tuluyan na akong nakababa.

Pagkapasok ko sa kusina agad na bumungkad sa akin ang dalawang taong magkaharap na nakaupo sa Teppanyaki. Meron naman kaming breakfast hook ngunit pare-pareho lang din naman kaming tinatamad na pumunta don. Lalong-lalo na sa laki ng bahay. Bahagyang nagulat pa ko ng pareho pala nila akong inaabangan na pumasok doon. 

"Suck the morning fights! My head is not doing well." anas ko at lumapit sa harap ng ref. 

"Bakit?" rinig kong pagtataka ni Vee. "...dahil ba gabi ka nang umuwi kagabi O baka may ibang dahilan?" 

Natigilan ako sa pagkuha ng tubig nang mapansin niya pala yung pag uwi ko kagabi. Hindi ko siya naabutan kaya malayang nakaakyat at nakatulog ako pagdating ko sa bahay. Laging nasa sariling kwarto o opisina si Mason at hindi niya na ako masyadong pinansin kapag alam niyang may ginagawa ako. Pwera na lang sa babae na 'yun, na halos naging bantay ko na kahit di ko hinihiling na gawin niya. 

"Ano pa ba ang aasahan ko? It's your responsibility as my Codemate, watching me whatever I move. Isn't sound like too possessive, 46?"

Kinuotan niya ako ng noo habang isa-isa kong nilalagay sa lamesa ng Teppanyaki ang mga napiling kakainin. "Possessive? Ano ang akala mo sa'kin?"

"You're too overprotective, Vee. I'm just doing my own business. And besides, I told you that I need to go somewhere." 

"Oh! Yeah! About that..." Umupo ako sa mismong gilid ng lamesa at sinumang kainin ang agahan ko.  "How dare you!"

"Don't worry about it, Vee. Kasabwat kami sa nangyari sa'yo kahapun." sambit ni Mason. 

Bahagyang napatingin ako sa kanya at nakatingin din pala ito sa amin. Maingat na binuksan ko ang bote pero hindi ko magawang buksan iyon. Pabagsak na binitawan ko ang hawak saka inabot na lang ang special mamon na nakuha ko sa ref.

"Ano?! Bakit ginawa ninyo iyon?!" 

Damn this freaking plastic!

Pilit ko pa sanang buksan nang mabilis na inagaw ni Mason sa'kin iyon. Wala akong magagawa kundi hayaan siya. Di ko naman alam kung paano ko bubuksan ang bagay na 'yun.

"Seryoso, Mau! Ang laki mo na pero di ka pa rin marunong bumukas niyan?" Sinaaman ko siya ng tingin pero sumubo lang ito ng pagkain. "Grabe ka! Hindi ka na nga marunong baguhin ang reaskyon ng boses mo pati pa naman sa pagbukas ng pagkain!" 

Medyong nahihiyang inabot ko din kay Mason ang bote ng inumin ko para humingi ng tulong na mabuksan rin niya iyon. 

"Wala naman logic na makakapaliwanang sa bagay---"

Assassination Incorporated | SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon