Krisana
Mabilis akong nagmaneho pabalik ng mansion. At para pa akong isang baliw na pinagsabihan ang sarili sa kabaliwan na ginawa kanina. Sira ulo talaga!
Bitbit ang napakaraming grocery ay mabuti na lang at nakita ako ng isa pa niyang tauhan sa labas. Agad niya akong tinulungan saka sinabayan akong pumasok sa loob. Nagtataka pa ako kung bakit sobrang tahimik ng buong bahay. Niyaya ko ang tauhan niyang pumasok sa kusina at nadatnan ang silang dalawa na nakaupo sa island table.
Sobrang seryoso at malamig ang titig ni Jason sa kanya habang sumusubo ng pagkain. Samantalang nakayukong kumakain naman sa harap niya si Lui na parang takot na takot na tumingin sa sariling boss.
"Ang good boy niyo naman." bungad ko sa kanilang dalawa.
Pareho naman silang napalingon sa'kin. Ngunit hindi ko nagawang salubongin ang mga tingin nila ng abala ako sa binibitbit. Agad kong pinasalamatan ang tauhan niyang tinulungan ako. Pagkatapos nitong ilagay sa gilid Ang mga groceries.
Hindi ko pa muna iniligpit iyon. Nakakaramdam na ako ng gutom kaya naghugas ako ng kamay. Nakangiti akong umupo sa gitna ng lamesa at tinitigan silang dalawa.
Tuwang-tuwa ako sa sariling inisip dahil parang nagmukha silang mag-ama.
"So? Masarap ba 'yung luto ni Lui?" nakangiting anas ko.
Maingat kong inabot iyong ulam at kanin na nasa gitna. At parang excite nang tikman iyon. Mukhang masarap ang luto niya. Atsaka kahit sa amoy palang. Naglalaway na ang bibig ko.
Grabe! Gutom na pala ako pero naaliw ko pa rin ang sariling na maglibot sa mall kanina.
"Try to answer her." rinig kong pagbabanta ni Harriz ng aakmang tutugon si Lui sa tanong ko. Agad ko din naman siyang sinipa sa ilalim ng lamesa at napadaing ito.
"Umayos ka!" Nagsisilakihan pa Ang mga matang nagbabanta sa kanya. "Gusto mo bang tuluyan na akong magalit sa'yo?!"
Agad siyang natigilan saka mahinang napalagutok ng dila. Sumubo na lang ito ng pagkain at naging tahimik.
Pasimpleng kinindatan ko naman si Lui at nakangiting tumango ito biglang pagpapasalamat sa ginawa kong pagligtas sa kanya. Mayamaya nagsimula na rin akong kumain. At hindi ko napigilang mamangha sa sarap ng ulam ko ngayon. Sobra akong proud para kay Lui. Hindi lang talaga siyang isang tauhan ni Jason kundi pwedeng-pwede na din bilang kusinero.
Sabay-sabay naman din kaming nakatapos kumain at pinagtutulungan ang mga plato, kutsara, at tinidor na ginamit para hugasan iyon.
Nag-iiwasan pa rin silang dalawa. Yung aakmang magkakasalubong ang isa sa kanila ay mabilis itong umiiwas.
"Boss, handa na po kaming lahat." Sabay kaming napalingon sa tauhan niyang kakapasok lang sa kusina.
"Good. Prepare the field. May kakailanganin ako sa inyo." seryosong tugon ni Harriz.
Nilingon niya si Lui na nakatingin rin, pero agad din itong umiwas. Samantala umalis naman yung inutusan niya.
"Boss, Krisa. Mauna na po siguro ako sa inyo." biglang paalam ni Lui.
Napatango naman ako sa kanya saka ito lumabas sa kusina.
Gulong- gulo ang reaksyon ni Jason ng balingan niya ako ng tingin, ng marinig niya ang paraan na pagtawag ni Lui sa pangalan ko. Hindi ko siya pinansin at tinapos yung pagpupunas ng mga plato.
"Love..." malambing niyang tawag.
Bahala kang magtanda dyan kakasuyo sa'kin.
Mayamaya naramdaman ko ang bigla niyang pagyakap mula sa likod ko, kaya sandaling natigilan ako pero nakabawi din agad.
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Action| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...