✓ Chapter 28

134 37 41
                                    

Axel

       Sandali akong dumaan muna saglit sa sports fest para ilagay ang mga bolang ginamit namin sa obstacle course at kung ano-ano pang mga materyalis. Marami pa nga kaming dapat iligpit dahil kakatapos lang ng buong team maglaro. 

Hinubad ko ang suot na coat at tie ng nahihirapan akong kumilos ng maayos habang nagliligpit. Maingat din na inilagay ko naman iyon sa isang tabi bago tuluyang bumalik sa trabaho.

Ngunit mayamaya pa ay biglang akong napalingon sa tao na tumatawag sa'kin mula sa di kalayuan.

"Yow, Mr. Vice."

"Hi, Pressy." bati ko din kay Trinity habang naglalakad ito papalapit. "Ano ang ginagawa mo dito?"

"Nothing..."

"Wala ka na bang ibang gawain?"

"Kakatapos ko lang ring tulungan yung ibang estudyante sa pagliligpit. Maybe you need a hand to help you?" presinta niya.

Napangiti ako, "Yeah, thanks! Kailangan ko talaga ng tulong doon."

I have no questions why he's our president. He's always an open-handed.

Tinitap ko ang balikat niya at ngumiti naman siya sa'kin. Hinintay ko pa siyang mahubad rin ang suot na coat at tie bago namin sinimulang ng tulungan ang mga ibang staff sa field.

Kaliwa't kanan ang ginawa namin pagliligpit. Buhat doon, pulot doon, tapon doon, linis doon. Malaki-laki Ang field ng SSIC Campus kaya sobrang daming liligpitin. Isipin mo kung gaano karaming mga bagay ang kailangan niyong i-impake at maglalakad ka ng mga isang metro ang layo para mailagay iyon sa loob ng sport fest. Talagang makakaramdam ka pagod at paghihirap.

Pagkalipas ng mga ilang pagbuhay ay nabuhayan ako ng mailagay ang huling box na punong-puno ng mga materials namin kanina. Isang mura pa ang napakawalan ko sa isip dahil sa pagod. Pakiramdam ko napuruhan ako ng sobra sa pagbabaril o kaya higit pa doon.

Agad naman kaming nagpaalam sa kanilang lahat pagkatapos na maisigurong nailigpit lahat ng mga gamit. Nauuna na din kaming lumabas sa sports fest at kinuha ang mga coat at tie sa lugar na kung saan iniwan namin kanina.

Saglit rin kaming dumaan sa canteen ng camupus ng mga SSIC para bumili ng tubig. Medyo malayo pa yung lalakarin namin pabalik sa SISFU at pareho na kaming nauuhaw.

Tinahak din namin ang daan pabalik ng SISFU, subalit habang naglalakad nauna kong binuksan ang bottled water at uminom kaagad. Samantala, ang kasama kong lalake ay ay napalinga-linga pa sa buong paligid na para bang may hinahanap. Ngunit mayamaya pa ay uminom na din siya ng tubig saka ako hinarap.

"How's the Chess Competition?"

"Maayos naman. Wala pang may natatalo sa Maroon Dragons." Tama ba ako pero biglang nagbago ang emosyon ng mukha niya. Parang malalim ang iniisip niyo.

"Sana nakasali ako doon. Palibhasa! Masyadong maarte yung Claudia na 'yun. Sarap sipain kanina. Buti at napigilan ko."

"Hayaan mo siya na parang kaya niya talagang manalo sa competition sa kayabangan niya." seryosong anas niya.

"Oo naman. Wala kasi yung lalakeng champion palagi sa chess." tukso ko.

Biro ko pa siyang tinulak ng mahina. Ngunit ang inaakala kong sasamaan niya ako ng tingin o pagagalitan. Dahil ayaw na ayaw niyang ginaganun siya pero takang-taka ako kung bakit nanatiling tahimik pa rin ito.

Assassination Incorporated | SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon