✓Chapter 77

54 9 26
                                    


Trinity

      "Students of Martial Arts, ngayong araw ay may isang napakaimportanteng kagaganapan ang mangyayari at hinihikayat ang lahat na mananatili sa kani-kanilang upuan para sa ikakabuti ng bawat estudyante."

Malapit na akong matapos sa pag-aayos ng sarili ko ng marinig ang boses ng Emccee sa telephono ni Axel. Kaya, mas lalong binilisan ko ang pagkilos para makaalis na ng residence.

"Oh? Saan ka na? Mayamaya magsisimula na kami." paghahanap niya sa'kin.

"On my way."

Thankfully, nasa baba ng building ang sasakyan ko kaya mas pinabuti ko na lang na gamiting ang YZF R-6 para makaabot agad sa M. A. C.

-

   "You're too early for your next duel, Wexler." Walang emosyong kong tinitigan ang lalakeng nakasandal sa gilid ng entrance habang seryoso din siyang nakatingin sakin.

Kinaumagahan na akong nakatulog at wala akong planong magkipagbiruan sa kahit sino.

One more thing is that---I'm scared.

"Stop pestering me, Master Pierre."

Ngunit natatawang umiling siyang lumapit sa'kin. Samantala nanatili pa rin akong nakaupo sa ibabaw ng motor at nakatingin sa kanya.

Pinagtawanan niya ako, "Masyado naman mainit ang ulo mo. Paano mo maipanalo ang duel mo ngayong araw kung ganyan ka."

"Wala akong planong talunin ang laban ko ngayong Association. Ayaw kong mabalian ng buto sa katawan dahil sa tatay ko."

"But what if you do? Handa ka na ba?" Natigilan ako sa sinabi niya. "Alam mong di mo mapipigilan ang pangyayari sa mundo."

"Minamaliit mo na ba ako ngayon?"

"Di naman." natatawang umiling-iling pa siya para asarin ako. "Sinusubukan ko lang kung madadala ka sa mga salita ko, pero mukhang nadadala ka nga."

That's give me a kick!

Napakuom ako ng kamay para pigilan ang inis sa sarili ng bigla niyang hinawakan ang balikat ko kaya napaangat ang tingin ko sa kanya.

"Put yourself together at wag kang magpapadala sa mga pang-asar ng kalaban para matalo ka nila. Lagi mong tatandaan." Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa balikat ko. "Words are too powerful. They can create or they can destroy you. So, don't be tempted by what they say. Empty your mind and feed your soul."

"Soul Eater?" bara ko.

"Bakit ba? Ikaw lang ba yung pwedeng makapanuod ng anime na 'yun? The most strongest weapon is not the thing your holding on but you feel... and that is COURAGE, credits to Maka Albarn." aniya at tumawa ng malakas.

Pambihira! Mukhang naubos niya nga yung lahat ng episode ng Soul Eater pero may punto yung sinabi niya.

"Courage..." Ulit ko sa sinabi niya at kasabay nung ang isang magandang ngiti sa labi ko. "Maybe I need a little courage."

Assassination Incorporated | SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon