Maureen
"So you know each other because of him." mahinang wika ko habang nakabyente kwarto ang paa.
"H-hindi..." kinakabahan niyang anas pero minaliitan ko siya ng mata. "K-kilala naman talaga siya dahil matagal na kaming magkakaibigan sa mundong iyon."
"And have you ever team up with him?"
"No." tipid niyang sagot.
"Pero teka lang..." singgit ni Mak'saneng sa amin. "Kung kaninang sinasabi mong nakilala niyo ang isang tao na'to. Ibig sabihin nakita niyo na siya ng personal?"
"W-we did..."
"You did?"
"P-pero hindi ako ganun kalapit sa taong 'to, maliban kay Zedd." nangnginginig niyang anas at kinuom pa ang kamay na nakapatong sa ibabaw ng binti niya.
Kita kong bahagyang napaisip si Maksaneng, "I think, It is simply impossible. Sigurado ako, Ludilo. Ilang beses na silang nagkaharap at hindi imposibleng makita nila ang totoong mukha nito. Isa pa, alam din niya ang totoong pangalan ng lalake na'to."
"H-hindi...." Napailing-iling pa siya. "Nagkakamali ka. Hindi naman siya kilala---"
"We do now." putol ko sa sasabihin niya. "How foolish are you to constantly mentioning 'HIM'? I'm not sure whether that person is a man or a woman, but thanks to you."
Kitang-kita ko ang pagkabigla sa mukha niya ngunit mas lalo akong napangisi.
Itatagi na naman sana niya ng bigla ko siyang tinutukan ng baril. Mabilis na inilayo niya ang sarili habang nakaupo ito sa dulo ng kama. Nakatayo si Mak'saneng sa gilid ko kaya nagawa niya agad akong pigilan.
"Scaring her isn't enough." paalala niya.
"Hindi ba?"
"Kung hindi niya sasabihin sa atin kung sino ang tao na 'yun. Huwag na natin pilitin."
"Huwag na? This is our chance---"
"Yes, it is. But do you remember why are you doing this to her? Tandaan mong may rason ka din kung bakit kailangan mo siyang hawakan ngayon." Alam na alam talaga niya kung papaano ako kukunin. Wala akong nagawa kundi napakuom ng kamay at dahan- dahan na binaba ang baril.
Pinagkrus ko na lang ulit ang dalawang braso sa dibdib saka mas diniinan ang pagkakasandal sa upuan.
"I hate you, Mak'saneng." reklamo ko.
Ngumisi lang siya, "Good girl...."
Muli kong hinarap si Bianca na kasalukuyang nakahinga ng maluwag.
"T-Thank you...." nanginginig niyang bulong.
"He's threatening you, isn't?" seryosong wika ko.
Iiling na sana ito ng minaliitan ko siya ng tingin kaya tumango siya ng ulo. Humugot na lang ako ng isang malalim na hininga at hinayaan ito.
Wala akong magagawa dahil hindi kami ganun kalakas para ipabagsak ang taong ito. Kaunti lang kami habang sila hindi na namin mabilang. Di pa kami sigurado kung gaano karami Ang mga tauhan niya. Pwera na lang, kung kasama ko silang lahat ngunit naipit ako sa gitna.
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Acción| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...