✓Chapter 37

100 35 56
                                    

Trinity

           Nakakunot noo akong nakatingin sa kanila habang parang may pinag-uusapan ang mga ito nang makaupo si Veronica sa tabi niya. Mas lalong nausisa pa ako ng biglang tumawa ang isa sa kanila habang napangiting umiling-iling ang lalakeng iyon.

"What an amazing fight from our newbies. Very fascinating skills and ability. Mukhang hindi na nga nagkakamali ang head master ng ating team tungkol sa inyo." Naagaw na ulit ang atensyon ko sa buong gym ng bigla kong marinig ang boses ni Emcee nila. "However, our duels have not yet ended. We still have two challenges to go. Brown belt, are you ready?"

"Dalawa pa?" biglang sambit ni Chrizzy.

"Bakit, Bunso?" singgit ni Kenny kaya napalingon ito sa kanya. "Ilan ba dapat ang maglalaban sa Match Tryout na ito?"

"Hindi ko na iintindihan. Ang akala ko ba dalawang tao lang ang papasok sa team."

"Baka naman siguro nagbago ang isip at mas nakakabuti yung may back up kayo."

Umiling siya, "No, Frost. Hindi ito ang pinag-usapan naming dalawa ni Master Quinton."

Binaling niya ang ulo sa buong gym at mukhang sinusulyapan ng tingin ang sariling Master. Kita ko pa ang bahagyang pagkagat labi niya sabay kuom ng kamay. Hindi ko na iintindihan ang naging reaksyon niya subalit parang tungkol ito sa pinag-usapan nga nilang dalawa ni Master Quinton. 

Iniwas ko na lang ang tingin mula sa kanya at napatingin sa mga taekwondo players na kasali sa Match Tryout. Kahit medyo malayo kami sa kinaroroonan nila ngunit kitang-kita mo ang gulat at takot sa mga mukha nila dahil sa nasaksihan na dalawang laban. Gayunpaman, nagawa pa rin nilang ngumiti saka tumango sa Emcee na kanina pa naghihintay. 

Ito nga ba ang sinasabi nilang napakadelikadong Match Tryout? Dahil kung hindi pa, parang ako na ang matatakot para sa mga players ng taekwondo. Dalawang laban pa nga lang ang napanuod ko ay ako pa ang nasasaktan. Ni walang laban na hindi duguan ang mga kalaban. Hindi ito isang karaniwang taekwondo duel na kung saan kailan mo lang makakapuntos. Ngunit sa Match Tryout na ito kailangang duguan o hindi na makayanang lumaban mula sa isa sa kanila. Kaya pala ganito na lang ang nagiging reaksyon ni Chrizzy dahil mukhang ito ang kaunang-una beses na napatupad ang ganitong klaseng pagkikipaglaban.

"If they still can..."nakangiting sambit nung Emcee habang nakatingin sa mga players."Let us go on to our next duels for the third battle." 

Napatingin ako sa mga brown belt at nakita kong ng malalim yung lalakeng nakajersey na merong apelyidong Carlos. Patalon-talon pa muna ito bago tuluyang umakyat sa gitna ng gym.

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko pero napaisip ako bigla kung sino ang magiging kalaban niya ngayon. Tapos na ang dalawang iyon at hindi ako ganun kasigurado kung ang babaeng kaibigan nilang iyon ay nandito sa lugar na ito. 

Ilang sandali pa ay bigla din naman bumukas ang kabilang pinto ng gym at sumalubong agad ang nakakaasar na ngiti ni Cyrus sa'min. Ganun rin ang pagtaas ng dalawang kilay ko at napatingin sa mga kasamahan. Ngunit pare-pareho lang pala kami sa nagiging reaksyon. Kaya, napatingin na lang ako ulit kay Cyrus. Inilibot nito ang buong paningin sa gym saka nagyayabang na tumitig kay Carlos na seryoso lang na nakatingin sa kanya. 

Parang halos nabibingi din ako sa hiyaw ng buong taekwondo players dahil sa sobrang excited sa nakikita nilang magiging labanan ng dalawa. Hindi ko napigilang mapailing-iling ng ulo sabay buntong hininga. Sumasakit ang ulo ko sa ingay nila. Pwede naman kasi silang manuod na hindi sumisigaw, hindi ba?

"I've got bad feelings about this." rinig kong anas ni Axel.

Napalingon ako sa kanya, "Paano mo naman na sabi?"

Assassination Incorporated | SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon