Trinity
Akalain mo nga naman nagawa niyang biruhin ang sinabi ni Vee. Ang ibig sabihin lang naman ng kaibigan niya ay nagkakasabay na kami ngayon kumain dahil wala siya nagkaroon kami ng kaunting panahon para makilala ang bawat isa. Lalong-lalo na nung nasa hospital siya.
"Blythe!" nagtitimpi sa inis pa ding wika ni Vee sa kanya.
Kumunot ang noo nito, "Don't overact, Veronica."
"Pasalamat ka at mahal kita." Napalagutok pa ng dila si Vee at pinaikutan ito ng mata. "Dahil kung hindi talaga baka kanina pa kita binatukan dyan. Ayusin mo 'yan utak mo! Makikita mo talaga ako."
"Nakikita naman kita." pilosopong tugon niya.
Kahit na pinipilit itago ni Veronica ang sariling reaksyon. Ngunit kitang-kita at mababasa talaga sa mukha niya ang pagtitimpi sa inis. Ni huminga pa ito ng malalim para kontrolin ang sariling inis.
"Tara na. Kain tayo sa labas." yaya ni Chrizzy.
Wala naman tumanggi sa aming lahat at tinahak ang daan papalabas ng school para maghanap ng Korean restaurant. Ngunit habang papalabas kami ng campus hindi pa rin maialis sa isip ko yung paraan ng pagsalita niya ng dalawang magkaibang diyalekto. Pero may mali ba ako? Dahil parang kanina lang din may isang diyalekto pa siyang binitawa. Anong klaseng pagkatao ba ang babaeng ito? Ba't masyado siyang maraming lenguwaheng alam?
Dala namin lahat ang mga kotse kaya kanyang-kanya kami ng sakay at sinundan si Chrizzy kung saan kami kakain. Siya nagyaya kaya alam niya kung saan. Pagdating namin sa restaurant. Inaasahan ko ang daming taong napatingin sa amin. May iba pang pinag-uusapan kami at kung ano-ano pang klaseng bulungan.
Hindi na lang din namin sila pinansin at naghanap ng mauupuan. At nang magawang makahanap ay agad kaming umupo samantala nag order naman sila Kenny. Mayamaya pa ay bigla akong nagtaka ng magkapalit ng upuan sila Cyrus at Mason. Bahagyang nakakunot ang noo ko habang nakatingin kay Mason ng umupo siya katapat ni Maureen.
Ganito ba talaga sila?
Subalit umiwas kaagad ang tingin ko ng biglang dumating ang mga pagkain namin.
"Okay ka lang ba, Maureen? Hindi ka naman siguro nakaramdam ng pagkailang." biglang wika ni Chrizzy habang kumakain kami.
Sinulyapan ko siya ng tingin para tingnan kung ano ang naging reaksyon nito. Dahan-dahan siyang napaangat ng tingin at binalingan ng tingin si Chrizzy.
"No, it's okay." anas niya.
"Sigurado ka ba?"
Nakipagbalikat ito, "Wala naman problema sa'kin."
"Masaya akong marinig iyon.."
"Pwede ba ako magtanong sa'yo, Maureen?" singgit bigla ni Frost.
Sinamaan ko ng tingin si Kenny dahil nagsasalita ito habang puno ng pagkain ang bibig niya. Napansin niya naman na nakatingin ako kaya nilunok niya muna ito saka ngumisi sa'kin.
"Siguraduhin mo lang na hindi kabaliwan ang itatanong mo sa kaibigan ko, Frost. Dahil kapag wlang kwenta ang itatanong po baka ipapasampal kita sa Bunso mo." banta ni Vee habang masama ang tingin sa kanya.
"Anong ipapasampal? Eh nasampal na nga ako nito kanina. Ipapasampal mo pa ako ulit." Biglang natawa naman ng malakas ang babaeng nasa harap ko habang sumusubo ng pagkain. Mabilis ko siyang inabutan ng tubig para makainom ito. Tinanggap naman agad niya saka uminom. "Nakita mo? Tumatawa pa din siya dahil naalala niya ang ginawa niya kanina sa'kin."
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Aksi| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...