Chrizzy
Parang may nararamdaman akong kakaiba sa paligid ko. Bahagya akong napakunot ng noo at gumulong sa kabilang bahagi ng kama. Sinubukan kong matulog ulit ngunit hindi ko maintindihan kung bakit ayaw ng matulog ng katawan ko.
Isang mahinang pagbuga ko ng hangin mula sa bibig. Sabay dahan-dahan na inimulat ang dalawang mata.
It's early in the morning, Raine...
Inis akong napaupo at napahilamos ng mukha gamit ng mga palad. Agad na napamasid akong sa bawat sulok ng sariling kwarto ng parang may nararamdaman akong kakaiba sa paligid.
"What was that?" wala sa sarili kong tanong.
Bumaling ang paningin ko sa katabing lamesa para buksan ang lamp shade at inabot ang cellphone kong nakapatong. Maingat akong bumangon saka umupo sa gilid ng kama. Subalit bigla akong natigilan nang maalala ang nangyari kahapun.
Nakakainis isipin ang mga pangyayari. Ngunit ramdam ko talaga nasa paligid lang ang taong pwedeng gumawa nun. Pero, isang malaking tanong din para kay Mau kung bakit sa tuwing may nangyayaring kaguluhan. Palagi na lang siya nandoon, maliban na lang sigro kahapun.
Napailing ako ng ulo saka tumayo. Lumabas ako ng kwarto at bumaba sa kusina para uminom ng tubig. Alas kwarto ng umaga ngayon ngunit pambihira nagising agad ako. Umupo na lang ako sa harap ng laptop kong naiwan pala dito sa kusina. Tamang-tama pagbukas ko ay may isang mensahe agad akong natanggap. Bahagyang napakuom pa ang mga kamay ko pagkatapos kong basahin iyon.
Many things to be done but my time is only limited. We need to finish this as neat as possible.
Mabilis ang oras at sumusikat na ang araw kaya naghanda ako para sa eskwela. Hindi pa nakaabot ng ilang oras ay nakaalis na ako ng bahay. Kaagad din akong nagmaneho papunta sa residence na tinutuluyan nila Kenny at Trinity.
Alam kong hindi pa sila tapos sa pag aayos ng sarili kaya medyo binagalan ko ang paglalakad papaakyat sa unit nila. Pinili kong puntahan ang unit ni Kenny dahil sigurado mas mabagal pa ito kaysa sa mga babae kung kumilos. Ni kahit kumatok na ako ng ilang beses ngunit walang taong bumukas ng pinto.
Napabuntong hininga akong binuksan ang pinto niya saka pumasok. Pagpasok ko ay may naririnig kaagad akong boses na---kumakanta? Mukhang namimiss na nga niyang mag-concert sa banyo.
"So kiss me and smile for me.
Tell me that you'll wait for me.
Hold me like you'll never let me go.
'Cause I'm leavin' on a jet plane.
Don't know when I'll be back again.
Oh babe, I hate to go."
Pagsabay ko sa kanta niya at umupo sa armrest ng couch. Ngunit humiga rin naman ang sarili pabagsak habang nasa armrest pa rin ang mga paa ko.
Kung para sa'kin, aling unit ang pinakakomportable kong pasukan sa kanilang dalawa ni Trinity ay itong unit ni Kenny. Masyadong friendly kasi masyado sa pakiramdaman pagpasok mo palang sa pinto. At baka siguro dahil masyado na din kaming malapit sa isa't isa. Kaya kahit anong posisyon o gagawin ko dito ay wala akong pakialam. Wala naman kasing condo si Axel pero kapag pupunta kami doon sa kanila ay okay lang din naman. Lalong-lalo pagpasok mo palang amoy na amoy mo na kaagad mga libro doon. Hindi naman ganun kahalata masyadong bookish ang isang 'yun. Kung tatanungin niyo rin kung ano ang maamoy mo sa unit ni Kenny. Pwes matatawa ka na lang talaga dahil sigurado akong mas magugustuhan niyo ang bubungad sa inyo. Ano pa nga ba? Eh di amoy pagkain agad pero yung matamis na amoy. Nakakababae nga minsan eh.
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Acción| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...