Kenny
Sabay kaming dalawang lumabas ng classroom at naglakad sa mahabang pasilyo ng campus.
"May pupuntahan ka ba?" biglang tanong ko habang tinitigan siya kahit na naglalakad kami.
"Wag mo nang tanungin. Di ko pa rin naman sasabihin sa'yo."
Ang taray talaga nito.
Napatingin ako sa distansya namin at ang layo niya masyado kaya hinila ko siya papalapit.
"Ugh! What the f*ck---" Mabilis na tinakpan ko ang bibig nito ng murahin niya iyon ng napakalakas.
"Ssh! Huwag kang sumigaw hindi naman kita pagnanasaan." birong bulong ko sa tenga niya habang yakap yakap siya mula sa likod.
Sa hindi inaasahang pangyayari mabilis akong napabitaw ng bigla niya akong siniko sa sikmura.
Napapulotpot ako sa sakit pero hindi ko pa rin siya binibitawan. Ngunit ng mapansin na nakahawak pa rin ako. Agad niya akong binalibag.
"Wah! Aray! Aray! T-tomboy! Tomboy! Aayos na 'ko." pamakaawa ko para bitawan niya ang braso kong binalibag niya gamit ng---isang kamay?
"Bibitawan kita pero subukan mo lang ulit. Hindi lang ito ang maabutan mo sa'kin."
"O-Oo... promise hindi na..." Sh!t! Parang gusto kong tumalon sa sobrang sakit pero napaluhod ako sa harap niya. "...hindi na kita bibitawan."
Agad akong tumawa sa naging reaksyon niya at kasabay nun ang pagbitaw niya sa'kin.
Nakahinga ako ng maluwag habang tumatawa pa rin saka ako umayos ng pagkakatayo. Pero pagkatayo ko ay sinalubong niya ako ng batok sa ulo. Hindi man lang humingi ng pasensya at nauna na itong maglakad
Takte! Tumatawa ako sa pandinig niya pero napamura na ako sa likod nito habang minamasahe ang braso't ulo.
"Ganito ka ba talaga magmahal? Nakakabrutal ka na." malambing na reklamo ko ng mahabol ko siya sa paglalakad.
"Hindi naman kita gusto ha. Bakit kita lalambingin?"
Umakto agad akong nasasaktan, "Ouch! Nasaktan ako don!"
"Ramdam mo?"
"Kailan ka pa ba kasi pwede para naman lambingin mo na 'ko." Nakataas baba ang kilay kong linungin siya.
"Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko sa'yo nung nasa hospital tayo?" biglang bara niya na napatigil sa'kin.
I have to wait for her. I need to fight all the days for my love.
"Kahit gaano katagal, maghihintay ako..." may kompyansang saad ko at pinapadama ko talaga sa paraan ng pananalitang seryoso ako sa lahat.
"But don't forget that I've warned you..."
"Ano na naman?" reklamo ko.
Binalingan ko niya ako ng tingin, "...please don't."
Hindi ko siya pinansin. Dahil alam ko kung ano ang pinaglalaban ko para naman ito sa kanya. Minsan lang ako ganito sa isang tao at hindi lang siya basta ibang tao---she's going to me my special someone. Kaya gaano man kahirap, lalaban ako.
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Action| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...