Trinity
Mabilis ang naging oras at gumagabi na. Uuwi na sana ako ngunit hindi ko naiintindihan kung bakit parang may pumipigil sa'kin. Isang buntong hininga na lang ang nagawa ko ng may naalala kaya tinahak ko na ang daan papunta sa lugar na iyon. Pagpasok ko sa hospital lahat bumati at yumuko sa'kin. At bilang ako ay bumati rin naman ako saka nagpatuloy sa paglalakad.
Pagkaakyat ko sa kwarto niya ay dahan-dahan kong pinihid ang pinto at maingat na pumasok. Wala pa rin siyang malay ngunit unting-unti na rin nahihilom ang mga rashes sa balat niya. Hindi ko nagawang manatili dito kanina nung inilipat siya sa sariling silid.
Saglit akong umalis dahil kinakailangan kong salubungin ang ibang officers ng mga sister school ng Southville sa pag-alis nila kaninang hapon. Hindi talaga pwedeng wala ako doon para magpaalam sa kanila. Hinintay ko talaga silang makaalis bago ako umakyat muna sa Student Council Office para ligpitin ang mga gamit ko. Gabi na nung makalabas ako. Ayaw ko pang umuwi kaya pumunta muna ako dito.
Lumapit ako sa kanya saka umupo sa upuan na katabi ng hospital bed. Hindi ko na kailangan humarap sa kanya dahil nakaharap na yung upuan sa kama.
Why I can't help myself staring at you? Why do I feel so hurt every time I see you like this? Why it's so painful if someone holds your hand? I feel like there's a invisible string attached from the both of us.
Naguguluhan ako. Nararamdaman ko ang mga bagay na 'yun pero parang may dumadagan pang isang bagay sa puso ko at hindi ko kayang tapusin ang isang salitang ito. Nakakabaliw. Ilang buwan at araw ko pala siya nakilala at hindi naman kami ganun kalapit sa isa't isa. Ngunit bakit ganito ang epekto niya sa'kin?
"Bakit nandito ka pa?"
Napaitlag ako ng bigla siyang nagsalita. Bahagya akong napatitig sa babaeng nakahiga sa harap ko pero nakapikit pa rin ito. Maya't maya pa ay dahan-dahan na siyang nagmulat at tinignan ako.
"Maureen...." Mabilis akong napatayo at mas lumapit sa kanya.
"What are you doing here?" tanong niya ulit.
"Finally, you're awake. Wait, don't move. I'll call a nurse."
"I don't need them."
Hindi ko siya pinansin at pinipress ang switch na nasa uluhan niya para bigyan ng signal at call sa nursing station.
"Kailangan. Baka kung ano pa ang masamang mangyari sa'yo."
Napailing siya ng ulo, "You shouldn't be here. Mason and Vee are already left. Kaya ikaw, bakit ka bumalik?"
"Paano mo nalaman na umalis sila Vee? At nandito ako kanina?" gulong-gulo pero mas nagtataka kong tanong habang nakatayo sa gilid nito.
"Hindi ako na comatose, Trinity. Nawalan lang ako ng malay. I'm half conscious after they injected me the medicine." pagliwanag niya.
Hindi ko naman napigilang matawa ng mahina, "Kung ganun, bakit ngayon ka lang nagising?"
"Because I know you are here...." direktang sagot niya.
Magsaslita pa lang sana ako ng may naririnig na ako mula sa labas. Mukhang nandito na yung nurse niya. Kalmadong tinitigan niya lang ako ngunit ilang sandali pa ay nawawala na naman ang mga emosyon sa mga mata niya.
She's back again. The old Maureen that I know but I just thought----D-damn!
Tumabi ako ng makapasok ang nurse niya para kamustahin ito.
"Hello, Ms. Xavier. Mabuti naman at gising ka na po. Kamusta naman po ang pakiramdam niyo?" mahinahon na konsulta nung nurse.
Seryosong tinignan siya ni Maureen at sandaling pumikit, "I feel sick after you get in..."
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Acción| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...