✓Chapter 96

61 5 0
                                    

Maureen

      Pasimple kong hinugot ang cellphone nasa bulsa at binasa yung mensahe na nagmula kay Mak'saneng. Hanggang ngayon hinihintay ko pa rin ang utos mula sa Incorporated para kay Bianca. I can't wait to see her face begging for her life in front of my blade.

Napahigpit ang hawak ko doon at marahas na sinandal ang sarili sa sandalan ng inuupuan. Sabay suklay ng buhok saka napatingin sa labas.

Sa mas lalong tumatagal na nandito kami. Ang akala ko medyo maayos lang ang takbo ng pamumuhay namin. Hindi siya naging perpekto dahil sa mga responsibilidad namin bilang tauhan ng Assassination Incorporated. Tulad sa sinabi ko noon, madaming may nagbago simula nung araw na 'yun. Mas lalong-lalo hindi ko inaasahan ang araw na itong malalaman ko ang isang bagay na dapat hindi ko na sana---

Napabalikwas ako ng may bumukas na pinto ng driver seat. Agad na pumasok doon si Vee habang may bitbit na Cali at chuckie na binili niya mula sa 7-eleven.

"Ugh! Ang init! Sangayon ako sa plano pero parusa naman ang dala nito." reklamo niya sabay abot ng chuckie sa'kin.

"Don't be such a liar, Vee."

Mabilis pa sa alas kwartong nilingon niya ako at sinuntok ang braso ko. Bumagsak ang panga ko saka sinamaan siya ng tingin.

"B!tch!" anas ko.

Inayos ko ang sarili mula sa pagkakasandal ng muli niyang buhayin ang makina ng kotse at mabilis na pinatakbo ito.

"Wala ka na bang pera?" Saglit na nilingon niya ako at niliko ang kotse sa isang kanto. Kinuha ko yung provided straw na nakadikit sa likod ng package nitong Chuckie saka sinaksak iyon sa butas at sinipsip.

What the heck?! Did I just said that? It is too erotic...

"Madami!" may kompyansang tugon niya. "Pero kailangan ko pa rin ng extra. Kung pwede ko lang sana utusan si Quinton na pagsabihan yung Incorporated na medyo dagdagan naman nila yung allowance at salary ko."

"Eh 'di utusan mo, you're a Prime." I take a little sip from my chocolate drink and continued. "Kaya mo naman silang kontrolin."

"Tsk! Yun nga eh. I'm a Prime Assassin but, they won't let me to lead my own pack." may halong kainisan at galit niyang reklamo saka inabot sa'kin ang Cali niyang di pa nabubukasan.

Napatingin ako sa hawak niya at sa kanya. "Sigurado ka ba?"

Tinaasan niya ako ng kilay habang nakatingin lang sa dinadaanan namin. Mayamaya pa ay bigla itong napangisi at napailing-iling ng ulo .

"Bubukas na nga lang eh, di pa magawa." pagsesermon niya.

"Yun nga ang tinatanong ko. Sigurado ka bang may tiwala ka sa'kin na mabubuksan ko yang Cali mo?" sambit ko habang may ginagawa sa harap ng cellphone. " I am too dumb on opening things."

"Pero kung katawan ng tao, kaya mong buksan." paparinig niya.

Mabilis pa sa alas kwatrong minaliitan ko siya ng tingin. Samantala tumawa ito ng mahina. 

Wala siyang nagawa kundi buksan iyon mag-isa gamit lang ng hinlalaki niya habang hawak ang can sa iisang kamay.

"Wala ka talagang kwenta sa mga ganitong bagay." panunumbat niya agad pagkatapos makainum ng kaunti mula sa inumin. "There's no scientific explanation sa kabubuhan mo, Maureen. Sadyang pinang-anak kag weirdo."

Assassination Incorporated | SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon