Trinity
"Maayos na siya sa ngayon. Wag na kayong masyadong mag-alala. Malakas lang yung impact ng pagkauntog niya kaya siya nawalan ng malay." Kalmadong pagbabalita ni Master Ark. "Pero magpapasalamat na rin tayong walang may nangyaring cracking and internal bleeding sa brain niya dahil maaari niya itong ikamatay."
Ramdam na ramdam ko ang panlalamig at nanunuyong apoy sa dibdib ko. Wala akong ibang taong pagsisihan sa nangyari. Ito ay parte ng Association. Napag-usapan na din namin ang kung ano ang mangyayari ay dapat maging handa kami.
Ngunit kung iisipin, mahirap pala kapag nandon ka na sa posisyon na 'yun pagkatapos makita ang pangyayari. Nakakatrauma sa pakiramdam na hanggang ngayon sariwa pa rin sa isip ko.
"Aalis muna ako. Kailangan ko na rin palabasin ang mga ibang staff." rinig kong sambit ni Master Liam. "Quinton and Pierre can handle this case."
Nakapamulsa lumapit ako sa hospital bed niya habang mahimbing pa din itong natutulog at may benda sa ulo. Maingat na inabot ko ang kamay niya para hawakan ito.
Kakaibang Chrizzy ang napanuod ko kaninang lumaban. Hindi siya yung tipong babaeng nagpapakita ng kahit anong emosyon kapag nakikipaglaban. Kaya, lagi niyang natatalo si Claudia dahil di ito kayang basahin ang mga galaw.
"Trinity..." malumanay na tawag ni Kenny sa'kin.
Bumuntong hininga ako, "Alam ko..."
"Malakas si Bunso. Alam kong kakayanin niya 'yan." pagpapatatag niya ng kalooban.
Nanatili akong tahimik habang minamasdan ito. Di niyo lang alam kung gaano ako nag-alala ng hindi siya namin magising kanina. Ni halos nawalan ako ng kaluluwa sa panlalamig at takot na nararamdaman para sa kanya.
"Dapat ba ako magalit sa nangyari? Hindi na 'to tama." Ikinuom ko ang isang kamay upang pigilan ang nanunuyong galit sa puso ko. Ayaw na ayaw kong mawala sa sarili dahil habang nakahiga ang babae na'to. Hindi ako kampante na kaya kong bawiin pabalik ulit ang sarili.
Bigla akong hinawakan ni Axel sa balikat at pinisil iyon, "Lagi mong tatandaan, hindi lang sarili mo ang dapat handa sa kahit anong mangyari..." Itinuro niya ang dibdib ko."...dapat ito rin."
"I was prepared---"
"Ngunit basi sa nakikita ko kanina, parehong sarili at puso mo ang hindi handa. Ni hindi mo alam kung sino ang uunahin mo." Natigilan ako sa sinabi niya kasabay ang pagtingin ko sa kanya.
Wala akong ibang ginawa kundi titigan siya. Nablanko biglang ang isip ko at hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin o itutugon ko.
"Hindi lang si Axel ang nakakita ang inaakto mo kanina..." biglang sambit ni Kenny.
"Pagkatapos na tumilapon si Chrizzy ay agad kaming lumapit sa kanya para tulungan ito, pero ng linungin kita. Halos nanigas ka lang sa kinatatayuan mo at0..." Pero gustong-gusto ko nun tumakbo papalapit sa kanila. Ngunit di ko rin maintindihan kung ano ang pumipigil sa'kin.
"You don't understand why I acted that way---" paliwanang ko pero pinutol na agad ni Axel ang dapat kong sasabihin.
"Ang mga mata mo ang nagsisilbing basihan namin kung bakit bigla kang natigilan. Action speaks louder than words, and eyes can't lie."
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Action| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...