✓Chapter 5

210 50 46
                                    

Trinity

"Attention, Students! Please be seated and don't make any noises." bulyaw agad ni Sir Jezphire.

Kakapasok pa lang namin sa gym pero iyon kaagad ang bungad ni Sir Jezphire sa kanila. Sabay-sabay kaming umakyat sa stage at lumapit naman si Sir Jez sa nakahandang microphone para sa kanya habang kami nakatayo lang sa likod nito.

"Okay. Good morning, everyone. Does everyone can hear me?" Tumahimik din naman lahat ng mga estudyante at tumingin sa kanya. Sabay-sabay silang lahat sumagot sa kanya habang patango-tango rin si Sir Jezphire saka mas lalong inilpit ang sarili sa microphone. "We have a very important duty for you today: we are going to be getting everything ready for our School of Survival Ceremony. We didn't sign your letters of excuse for pointless work, and granted your permission to explore, snack, or spend time with your friends. Ang oras na 'to ay gagamitin lang para sa task na ibinigay para sa inyong lahat. If you are tasked to clean our classrooms or mapped the hallway. Please do so. I don't want to hear any bad comments before, during, and after. Let's welcome the other schools here with a pleasant and welcoming environment."

Wala kami kahit anong reklamong narinig mula sa kanila subalit pintado naman sa mga mukha nila ang tangging mga reaksyon mula sa sinabi ni Sir Jezphire. Naiintindihan ko naman kung gaano kaabala ang bawat estudyante sa mga klase nila. Ngunit napaka-importante rin naman ang activity nagaganapan sa susunod na linggo. At kinakailangan namin ang tulong nila.

Saglit na huminto si Sir Jezphire sa pagsasalita at lumingon sa gawi naming apat saka nilahad ang kamay sa harap ni Chrizzy. Inabot din naman agad niya ang papel na dala para sa magiging assignment ng bawat klase.

"Now, on this paper. Dito niyo makikita kung saang area kayo naka-assign at makikita rin dito kung sino ang mga person in charge para tignan at tulungan kayo sa assigned area. Meron tayong apat na team colors or houses at sigurado akong magagawa niyo ang mga bagay na'to--- perfectly. So..." Tinignan nito ang suot na wrist watch. "Our current time for today is 8: 38 am. You will have your lunch later at exactly 12 noon. Then, please come back again by 1 pm. So, we could dismissed you early by 5 in the afternoon. So, do I make myself clear?"

Muli rin silang sumagot ng sabay-sabay habang napangiti si Sir Jezphire sa kanilang lahat.

Pagkatapos ng announcement ni Sir Jezphire para sa aming lahat. Agad kaming napaiwan dito sa gym dahil dito yung area na naka-assign para sa amin na mga Student Council.

Medyo abala na kami sa pag-aayos ng bigla kaming napalingon nila Axel at Kenny kay Chrizzy na kasalukuyang nakaupo na ito sa sahig at may hawak-hawak na scratch paper.

"Boys, can you do me a favor?"

"Ano yun, bunso?" lambing ni Kenny at nilapitan siya saka kinurot ang pisngi.

"Aray ko naman, Kenny!" Sabay hampas niya sa kamay ni Ken. "Makinig ka nga! Ang landi mo! Pwede niyo bang kunin lahat ng mga materials natin sa stock room? Kayo naman yung may kakayahang buhatin yun eh."

"Paano kung ayaw namin?"

Sumimangot naman siya, "Sige na, please."

Ang cute-cute talaga ang isang 'to.

Aangal pa sana sila pero tumayo na ako at hinila ang damit ng kaibigan kong dalawang lalake.

Nagkukulitan pa silang dalawa habang tinatahak namin yung daan papunang stock room kaya halos ilang beses na rin akong napabuga ng hangin sa inis.

Assassination Incorporated | SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon