Trinity
Nakatitig lang ako sa likod niya hanggang sa unti-unting nawala na siya sa paningin ko. Sinubukan kong bawiin ang sariling paningin ngunit nabigo ko ang sarili. Sobrang bigat sa pakiramdaman na hindi ko maipaliwanag kung bakit. Na para bang may nagtutulak sa'kin nasundin siya pero alam kong hindi pwede.
Isang mabigat na buntong hininga ang nagawa ko saka iniling-iling ang ulo para gisingin ang sarili sa reyalidad. Pabulong din akong napamura sa kainis mula sa sarili at napakagat labing tuminghala bago tuluyan tumalikod para lisanin ang lugar na ito.
Lumipas ang buong maghapon at ganun pa rin ang nangyayari sa amin. Ngunit may kaunting kaibihan na ang pagkikipatungo namin kina Veronica. Mukhang hindi na rin ako magugulat kung ganun din sila sa amin kahit na may mga pinagdaanan kaming hindi maganda simula nung lipat sila sa paaralan namin.
Nakakamangha ang mga pinapakita nila nung Match Tryout. Ito na nga ba ang dahilan kung bakit ganun na lang ang kagustuhan ng mga Head Directors na ilipat sila? Ngunit magkaiba ang aktibidad na sinalihan nila. Labas iyon sa Southville. Subalit mukhang malaki nga ang plano nilang maipanalo ang paaralan namin sa kahit anong tournament at competitions ngayon taon. Ni hindi ganun kahirap para sa kanilang ipapasok sila sa sports team. Dapat ko na nga ba tigilan ang pag-iisip ng kakaiba at hayaan silang tulungan kami sa huling taon namin?
"Wow! What a day!" pagod na pagod na sambit ni Chrizzy at pabagsak na umupo sa upuan. "Kung pwede ko lang sana ipabagsak si Mr. J Kalbo, noon ko pa siya sinipa palabas ng Southville."
Umupo rin ako sa upuan na katapat niya at nakitang mabigat itong napabuntong hininga. Tumingin pa siya sa'kin at para bang kinakausap ako.
"No, Chrizzy." seryosong tugon ko.
Sumimangot siya, "Why? Why, Wexler?"
"Because Mr. J has its own responsibilities in Southville."
"Take it from him."
"Chrizzy."
"He's literally getting into my nerves right now."
"Naiintindihan kita." mahinang wika ko habang inilagay na naman ang kamay sa loob ng bulsa. "Alam kong nakakainis ang taong iyon pero mapakinabanggan natin siya. Hindi lang natin nakikita."
Isinandal ako ang sarili sa upuan habang ito ay napabuntong hininga. Bahagya pang sumimangot at ngumuso kaya napailing-iling ako ng ulo. Kahit ako kanina parang gusto kong ipagawa yung ginawa nila Kenny at Axel noon na nawalan siya ng malay. Ngunit bilang anak ng may-ari at ulo ng Southville. Kailangan ko pa rin siyang respetuhin.
Mayamaya bigla akong napalingon sa kanila Veronica ng bigla silang tinawag ni Chrizzy. Sabay na sabay rin naman silang lumingon sa amin at ganun na lang ang ngiti sa mga labi ni Vee ng sinalubong kami.
"Hey! May kailangan ka ba sa'kin, Chrizzy?" bungad niya ng makalapit sa table namin.
Nagkatingin kaming dalawa pero agad siyang umiwas ng tingin. Ngunit sabay sa pag iwas ko din iyon rin ang pagkasalubong ng paningin naming dalawa ni Mason. Blangko ang mga mata niyang nakatitig sa'kin habang hindi inaalis ang mga kamay sa loob ng bulsa sa suot niyang pantalon. Hindi naman ako nagpatalo at seryosong nakatingin din sa kanya.
"Actually, wala naman talaga. Pero may gusto lang sana akong hihinging pabor sa inyo." rinig kong wika ni Chrizzy kaya bumaling ang paningin ko sa kanya. Pareho kaming nakakunot noo nila Axel at Kenny sa sinabi niya. Ngunit nang mapansin niya kaming tatlo ay mahina tumawa ito. "Don't look me like that. Iimtitahan ko lang naman silang saluhan tayo ngayon tanghalian. Atsaka, magkakaibigan rin naman tayo. Why don't we get to know each other?"
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Action| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...