✓Chapter 65

72 31 22
                                    

Trinity

      Naghintay pa kami ng ilang minuto hanggang sa tuluyan na silang makalabas ng campus. Nakita ko pa si Aguilar sa bus nilang kinakausap ng mga kaibigan. Mukhang nag-alala sa  nangyari sa labi nito.

"Trinity, let's go." rinig kong tawag ni Axel. 

Bumalik ako sa reyalidad at napagtantong naiwan na nila akong nakatayo lang sa kinatatayuan.

Agad akong lumingon at lumapit sa kanila para sumabay. Bahagyang nagkasalubong pa ang tingin namin ni Shishiu pero nauna na itong umiwas sa'kin at kinausap ang lalakeng katabi.

Napasuklay na lang ako ng buhok ng may dumudulo pa ring tubig doon.

"Uuwi na ba tayo?" biglang tanong ni Cyrus.

"Cyrus, tinatanong pa ba 'yan? Inaantok na nga ako sa pagod e. Bukas may laro na naman tayo. Aish! Bakit ba kasi yung mga ibang College di nagparegister sa major games at competitions." reklamo ni Axel at napailing-iling ng ulo.

Sandali akong napaiwan sa paglalakad para guluhin ang basang buhok. Kumuha ako ulit ng towel at pinatuyo iyon saka nagsimula maglakad paabante. Nakasunod lang ako sa likod nilang lahat. Ngunit sana hindi na lang dahil tanaw na tanaw ko ang dalawang taong nag-uusap. Yung tipong parang hindi ko nagugustuhan ang paraan ng pagkikipag-usap nila sa isa't isa.

"I didn't asked you to do that!"  Natigilan kaming lahat ng marinig ang boses na iyon.

"And what do you want me to do? I'll let him fuck you?!"

Pare-pareho kaming natigilan ng makilala ang dalawang boses na iyon. Ngunit mayamaya ay may narinig kaming isang malakas na sampal mula kung saan. Bahagya kaming napatingin sa isang hallway ng sa tingin namin nanggaling doon ang ingay. 

Agad na bumungad sa amin sina Kenny at Vee na nakatayo doon. Nakabaling ang ulo ni Kenny sa kaliwa nito. Samantala nagpipili naman sa galit si Vee na kaharap niya. Pansin kong nakakuom na rin ang parehong kamay nilang dalawa na para bang sinusubukang kontrolin ang galit mula sa isa't isa.

"Hindi na ako bata para hindi ko malaman ang gusto niyang gawin sa'kin. At mas lalong-lalo hindi ako malandi para hayaan siyang bastusin ako. Matinong babae ako, Kenny! Pakinggan mo muna ang mga salitang binibitawan mo. Hindi 'yung nagsasalita ka lang na para bang wala kang taong nasasaktan!" galit na galit na sigaw ni Vee.

Awtomatikong napalingon si Kenny ulit sa kanya nang marinig iyon. Kitang-kita ko kung paano nagulat si Kenny sa mga binitawang salita ni Veronica sa kanya. At mukhang hindi alam kung ano ang isasagot. 

"Kenny. Vee." tawag pansin ni Chrizzy.

Sabay silang napalingon sa gawi namin atsaka doon lang nila kami napansin. Parehong gulat pero agad ding itinago ang mga reaksyon. Lalong-lalo na nung nilapitan sila ni Cyrus. 

"Ano ang pinag-aawayan niyong dalawa?" nagtatakang tanong ni Cyrus.

"Rinig na rinig pa namin ang sigawan niyo mula sa dulo ng hallway." dagdag ni Kenny.

Binalingan ng tingin ulit ni Vee si Kenny na kasalukuyang nakayuko ang ulo. Subalit ng maramdaman ang pagtingin ni Veronica ay bigla itong napaangat ng tingin sa kanya.  

"I'm tired. I want some rest." tanging na sabi ni Vee.

"Vee----"

Hindi niya na nagawang tapusin ang sasabihin ng naglakadna si Veronica papalapit sa amin. Agad pa nitong hinila si Shishiu papaalis. Napadaing naman siya sa sakit ng kaladkarin siya nito ng sariling kaibigan. 

Assassination Incorporated | SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon