Trinity
Mag-aalas siyete pa lang ng gabi ay nakauwi na ako sa residence. Pagdating ko sa unti ay saglit pa akong nagpahinga bago napagdesisyong maglinis ng katawan. Kakatapos ko lang magbihis at pinapatuyo ang buhok gamit ng sariling towel habang papalabas ng kwarto. May plano akong tapusin ngayon ang mga kakailanganin sa ikalawang lalaro ng SOS.
Ngunit bigla akong napatigil ng makitang may taong nakaupo sa couch ko.
P-Paano niya nalaman?
"Magbihis ka ulit." bungad niya sa'kin.
"M-master Pierre..." di ko makapaniwalang banggit sa pangalan niya.
Binalingan niya ako ng tingin, "Hihintay kita dito.."
"P-po? S-saan ba tayo pupunta?"
"May pag-uusapan lang tayo."
Hindi ko na nagawang makatugon ng ninuksan niya ang TV saka komportableng sumandal habang nakakrus pa ang dalawang paa.
Di na lang ako umangal at nagbihisulit ng simpleng t-shirt saka pants. Paglabas ko mula sa kwarto ay agad din naman niya akong niyayang lumabas. Kahit hindi ko siyang naiintindihan ay sumunod pa rin ako.
"Let's take a walk." aniya ng makababa kami ng unit.
May kakaibang aura ang pumapaligid sa aming dalawa. Hindi ko maiintindihan dahil sobrang tahimik namin pareho. Yung tipo parang may malalim kaming dapat mag-usapan.
Nakalayo na kami sa gusali ngunit hindi kami dumiresto papalabas ng Residence. Lumiko kami sa pool area para magpahangin at maghanap ng mauupuan. Pero, kahit nandon na kami ay hindi pa rin siya nagsasalita.
"Master." tawag pansin ko.
"Ito ay isang napakahirap na buwan, Trinity. Naalala ko lang yung huling beses na nakita tayo sa Polo Club kasama sina Chrizzy at Quinton. Nakokonsensya ako at nag-alala para sa'yo dahil hindi ko man lang kitang kinausap ng maayos." Kahit madilim pero mahahalata at mararamdaman mong nalulungkot ito.
Umiling-iling ako, "Master, you don't have too. Alam ko naman kung ano ang ginagawa mo. Masyadong seryoso rin ang mga bagay na hinaharap mo sa buhay.Hindi naman lang sa akin nakatutok ang trabaho niyo. Sigurado ako may mga ginagawa ka rin maliban sa pagturo niyo sa'kin ng Martial Arts."
"Napakaintindihin mo talaga, Trinity."
"Why shouldn't I?"
"It's just that I'm not used to it..."
Bahagya ko siyang binalingan ng tingin para makita ang reaksyon niya. Ngunit bumuntong hininga lang ito saka umiwas ng tingin. Lihim na lang din akong napabuga ng malalim na hininga dahil sa pagod na marinig ng ilang beses ang salitang iyon.
Mayamaya nakarating kami sa garden ng Residence na kung saan din ang pool na matatagpuan. Umupo kami pareho sa nakitang bench at pinagmasdan ang napakalawak na landscape ng residence na tinutuluyan ko ngayon.
"I heard that you have two new students in your class."
Napatingin ako bigla sa kanya, "Who told you?"
"Of certainly, from Jezphire and your father."
"So he managed to talk with you." malamig kong anas.
"So, ano sa tingin mo sa kanila?"
"I'm speechless..."
"I see..."
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Action| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...