Trinity
Hindi ko maiintindihan sa kung ano ang pinapakitang emosyon ni Chrizzy ngayon. Mukha siyang may iniisip na malalim na ayaw niyang ipaalam. Yung tipong parang meron siyang binabalak na gawin subalit hindi namin pwedeng sabayan iyon.
Bahagyang inabot ko ang baso na may laman ng tubig habang hindi ko inaalis ang paningin mula sa kanya. Ilang minuto na kaming nakatapos sa pagkain ngunit nanatili itong tahimik at di kumikilos sa kinauupuan. Ang tanging magagawa niya ay umupo lamang doon at hawakan ang kanyang mga kamay sa ilalim ng mesa.
"I won't be attending the class today. I need some rest." biglang rinig kong paalam ni Axel.
Napalingon ako sa kanya, "Why so sudden?"
"Pagkatapos kasi ng mga minor games sa tingin ko babagsak na ako sa sobrang pagbilad kanina sa araw."
"Ako rin, Pressy. Pahinging break." singgit ni Kenny at itinaas pa ang kaliwang kamay. " Magpapahinga na rin ako. Atsaka malapit na din pala ang examination week natin."
"Kailan ang araw ng examination?"
"Wala pa naman akong nababalitaan."
"Baka pagplanuhan nilang sa susunod na linggo. Sana huwag lang muna dahil hindi tayo pwede next week. Panigurado may mga activity na naman tayong gawin."
"Wexler, may alam ka ba?" tapon ng tanong ni Kenny sa'kin.
Napaisip naman ako kung ano ang itutugon ko mula sa pinag-usapan nila.
Wala pang may nagaganap na pagpupulong tungkol sa kung kailan ang examination week ng buong program. Masyadong busy pa sa ngayon si Sir Jezphire kaya hindi siya nagpapatawag ng kahit anong meeting para sa lahat.
"Hintayin na lang natin siguro si Sir Jezphire para pagdesisyonan iyon.Sa ngayon, magpahinga na lang tayong lahat at paniguradong may mga panibagong task na naman na ipapagawa nila sa'tin next-next week." pinilit kong pigilan na hindi sumeryoso o lumamig ang boses ko. Ni napahigpit ang pagkakuom ng kamay ko sa ibabaw ng lamesa para lang makontrol ang sarili.
Kumunot ang noo ni Axel, "What task?"
"Grabe naman sila. Sobrang dami na nilang naibigay na mga gawin ngayong taon. Hindi ba sila napapagod para sa'tin?" reklamo ni Kenmy at patapon na tinapon ang hawak na takip ng styro cup.
"May plano silang gumawa ng mga booth at kung ano-ano pang entertainment para sa mga estudyante mula sa mga iba't ibang schools na gustong bumisita dito."
Mayamaya ay nabigla ako ng maramdaman nagvibrate ang phone ko mula sa suot na coat. Agad na kinuha ko iyon at nakitang may tumawag na unregistered number. Kumunot ang noo ako dahil sa pagtataka. Wala naman ibang taong nakaalam sa number ko maliban sa mga taong malapit sa'kin.
Sasagutin ko na sana ang tawag ng bigla ding natapos. Gulong-gulo ibinalik ko na lang ulit ang cellphone sa loob ng coat at nakinig ulit sa kanilang dalawa na nag-uusap.
"Hanggang ngayon di ko pa rin naiintindihan kung ano ba talaga ang gusto nilang gawin. Kung ano ba talaga ang pinaplano nila Sir Jezphire." pagdududa ni Axel.
Tumango-tango naman si Kenny sa kanya, "Sangayon ako sa'yo, Asawa ko."
"Diba? Hindi ba sila nag-iisip na kapag ginawa nila ang mga bagay na ito ay maaaring makapasok ang mga kaaway natin sa mga iba't ibang tournament ng school. Delikado ang ginagawa nila." May punto ang lahat ng sinabi ni Axel. Ni napatango na rin ako dahil kung tutuusin ay pwedeng mangyari nga iyon."Tama naman na maaring makabigay ng kasayahan sa ibang estudyante. Ngunit papaano naman ang mga bagay na pinapahalagaan natin ay pwedeng mawala."
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Action| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...