✓Chapter 53

97 34 42
                                    

Trinity

      Nakangiting sinalubong ni Vee si Maureen na nakaupo sa upuan nila. Agad niya pang inakbayan ang kaibigan pagkaupo nito sa tabi niya at may kung ano pa silang pinag-uusapan. Yung tipo kahit ako ay parang gustong-gusto malaman tungkol doon.

Isang mura na naman ang napakawalan ko sa sariling isip. Ni hindi ko ding napigilang tumayo lahat ng balahibo ko sa pinakita nilang pagkikipaglaban at hindi lang ganyan ang dahilan sa nararamdaman ko. Nasa High Rank na silang dalawa at ibig sabihin matutuloy ang huling laban ng M.AR, na kung saan kami ang magiging kalaban nila.

I knew from the start that Master Pierre would not allow me to fight. He is aware of my skills and abilities. He understands what I can do. I can sometimes control myself, but most of the time I cannot. It is especially important to consider who I am fighting for.

Pero pag may pagkataon? Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

"Please proceed now..." pagtawag nung emcee sa susunod na maglalaban.

May tumayong Xophia na pangalan mula damit ng isang babae saka lumakad papalapit sa table at kumuha ng Ax doon.

Napalingon ako kay Kenny dahil bahagya niya akong natamaan ng gumalaw ito. Nanatiling blanko at tahimik lang siya habang nakahiga at nakayakap sa braso ni Chrizzy. Binaling ko na lang ulit ang paningin ko sa gitna ng gym at nakitang umakyat si Xophia. Sumunod naman si Cyrus na mukhang siya yung magiging kalaban nito. Pinapaikot-ikot na lumapit siya sa gitna at hinarap si Xophia. Kung mahina ang pakiramdam ko ay madadala ako sa nakakatakot na ngiti ni Cyrus habang nilalaro ang Ax sa kamay. Kitang-kita ko ang takot ni Xophia dahil sa kanya at parang nanginginig pa ang mga kamay na may hawak ng Ax. Bahagyang napapikit ito sabay hinga ng malalim bago dumilat.

Nang magsimula na silang maglaban halos hindi mo makita masyado ang ginagawa nila dahil sa sobrang bilis ng pagkakakilos at paggawang atake.

Inatake siya ni Cyrus sa tyan pero mabilis siyang umatras para umiwas at gumanti rin ng atake. Nagpapalitan sila ng iba't ibang atake pero walang may nasusugatan o natutumba. Hanggang sa nagawang ipabagsak ni Xophia ang hawak na Ax ni Cyrus. Pero, mabilis mag isip si Cyrus at agad niyang sinipa si Xophia.

Nakangiting hinugot ulit ni Cyrus ang sariling sandata mula sa sahig at pinaglaruan na naman ito habang nakatayo lang sa kinatatayuan. Mukhang hinihintay nitong makatayo ulit ang kalaban.

"Damn! Ba't kung si Cyrus ang lumalaban nakakatakot. Hindi siya yung tipong kalaban na matatakot sa'yo kahit siya ang hinahamon mo." komento ni Axel.

Napasuklay ako ng buhok gamit ng mga sarili ng biglang ng vibrate ang phone na nasa loob ng suot kong coat. Simpleng kinuha ko iyon at saka binasa ang mensahe na natanggap. 

He's here?

Mayamaya pa ay muling napabaling ang paningin ko sa laban ng marinig ang hiyawan ng mga tao. Humugot na lang ako ng isang malalim na hininga saka mabilis na binalik iyon sa loob ng coat. Maingat akong tumayo sa harap nilang tatlo at alam kong makukuha ko ang atensyon nila.

"Where are you going?" seryosong wika ni Chrizzy habang inaayos ko ang suot.

"Somewhere. Babalik lang ako." Saka ako bumaba mula sa kinauupuan namin.

Narinig ko pa ang sinabi ni Kenny na mag ingat ako at dadalhan ito ng pagkain pagbalik. Adik! Pero hindi ko na siya pinansin.

Nang makababa na ako ay agad akong lumiko papalabas ng gym. Ngunit tamang-tama lang din sa pagliko ko sa isang pasilyo natigilan ako. Dhil bigla ko siyang nakitang nakasandal sa pader na nandoon. Huminto ako saka hinintay siyang mapansin ako at hindi naman ako nabigo.

Assassination Incorporated | SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon