Chrizzy
Kasalukuyan ngang sumabay kaming kumain sa kanila nina Vee, Cyrus, at Mason sa Cefteria. Tama nga si Mason. Hindi nila kasama si Maureen at hindi rin naman namin kasama sila Kenny at Trinity. Ewan kung anong tupak nilang dalawa nun.
"Vee, gusto mo bang malaman kung bakit di sumabay si Kenny sa'min?" mahinang bulong ko para hindi marinig ng mga kasamahan namin.
"Aish! Chrizzy, wala akong pakialam sa kanya. I told you, I can't love him---more." parang naiiritsng sambit niya habang may hawak hawak na breadstick.
Birong kinurot ko lang ang tagiliran niya kaya napaitlag ito, "Ayiee! Aminin mo na kasi e."
"Vargas. Wag ako." pagbabanta niya. "Baka ikaw 'yung 'ayiee! Aminin mo na kasing inlove ka kay Trinity."
Nanuyo agad ang lalamunan ko dahil sa sinabi niya. Parang naririnig ko na rin ang pagtibok ng puso ko sa kaba. Tinakpan ko pa ang bibig niya baka napalakas ang pagkakasabi nito.
"Ssh! Baka marinig ka ni Axel." saway ko.
"Oh, ano naman ngayon?"
Umakto agad akong maiiyak, "Maawa ka naman sana sa'kin, Vee"
"Paano ka nilang maririnig?" Napalagutok pa siya ng dila. "Tingnan mo napaka abala kaya nilang lahat."
Napatingin ako sa mga kasamahan namin at nagtatawanan ang mga ito.
"Kahit na! Ikaw talaga!" saway ko ulit.
Tinawanan na naman niya ako, "Ewan ko sa'yo."
"Maitanong ko lang...." pang-iba ko ng usapan. Samantala muli siyang kumagat sa breadstick nito at tumingin sa'kin."...In love ka rin ba dati kay Trinity?"
Ganun na lang ang pagkabigla niya at hindi natuloy ang paglamon ng pagkain. Napapatong ako ng braso sa lamesa habang binabasa ang emosyon ng mukha niya.
"Chrizzy, anong klaseng tanong 'yan?"
"Ito ba ang dahilan kung bakit hindi mo kayang mahalin si Kenny?"
Kunot noo niya akong nilingon at umiwas din agad, "N-no, of course not."
Kung hindi naman talaga niya gusto si Kenny. Bakit parang nauutal pa din siya kapag tinatanong ko? At mas lalong-lalo hindi niya ako maloloko. Dahil sino ba siya para manatili sa tabi ni Kenny nung naka-injury ito? Kung tutuusin dapat nga siyang sumama sa mga kaibigan niya nung umalis ang mga ito.
Ngunit hindi ko inaasahan na bigla akong nakaramdam ng kirot. At wala sa sarili kong inabot ang tubig na nasa gilid para uminom.
"A-actually, ayos lang sa'kin kung nagkagusto ka kay Wexler. Hindi naman natin mapipigilan 'yun. Lahat naman siguro ng mga babae nagkakagusto sa kanya. Kaya, hindi na bago 'yun sa'kin." F*ck? Bakitarang ang defensive ko? Ramdam na ramdam ko ang awkward namin ngayon kaya kailangan kong ibahin ang usapan namin.
"But not in this case..." aniya.
Umayos na lang ako ng pagkakaupo, "Nag-iiwasan pa rin ba kayo?"
"Di naman magtatagal."
Napabuntong hininga siyang sumandal sa upuan at uminom ng tubig. Sagot ba 'yun o bulong? Ang hina ng pagkakasabi niya nun e.
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Aksiyon| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...