Someone
Tahimik lang akong nakaupo mag-isa sa stool chair kaharap ang bar counter. Alaw na aliw akong paglaruan ang shot na may laman na alak. I was also listening patiently to the loudest sounds of the bar. Where people gone crazy in dancing and shouting. Trying to get lose and satisfied theirselves from this private place for this people.
"Give me another shot." malamig kong utos sa bartender.
Hindi naman siya tumanggi at sinalinan ako ng panibagong inumin. Agad kong inubos iyon at umorder ulit. Ngunit ng tumagal nainis ako sa maya't mayang pag ubos ng alak mula sa sariling baso. Humingi na ako ng isang botilya.
Ramdam na ramdam ko ang pait ng alak sa lalamunan na unting-unti pinapainit ang katawan ko ng sobrang-sobra. Alam kong hindi pa ako lasing dahil nasa tamang pang -iisip pa rin ako. Uminom ako hindi dahil sa problema. But to celebrate, my success.
Malamig na tinignan ko yung lalakeng lumapit sa'kin. Iinum na sana ako ng bigla siyang sumulpot.
"Miss Beautiful, are you alone?"
"No, I'm not." mataray kong sagot at tuluyan na nilanghok ang alak.
Naramdaman ko ang pag upo niya ng mas malapit sa tabi ko at ang pinagsandal ng braso sa lamesa.
Wala naman siyang ibang atensyon kundi makipaglandian sa'kin. Subalit pasensya muna. Hindi ko siya kailangan ngayon.
"Niloloko mo ba ako, Miss Beautiful?" Alam niya din naman pala. Bakit niya pa pinilit ang sariling makisiksik sa'kin dito? "I've been staring at you almost an hour. Kaya alam kong wala kang kasama."
Inirapan ko siya, "Then, why are you keep on asking."
"Bakit ba ang sungit mo? Gusto ko lang naman na makilala ka." pangungulit niya.
"You're going to ask my nama, then we'll talk. Mag-uusap tayo hanggang sa unting-unti na natin makikilala ang isa't isa. Once the conversation is good, we found that we are comfortable with each other. And then what will happened next?" sunod- sunod kong sambit na kinatigil niya.
"Ah---" Hindi ko na siya pinagsalita pa dahil alam ko ang tumatakbo sa isip ng maga lalakeng katulad niya.
"What? You're going to ask me if I would like to check in with you...and there! We're going to take a one night stand." Napangisi ako ng napalunok siya ng ilang beses. "Hindi mo 'ko kilala, lalake. Hindi rin ako katulad sa ibang babaeng mabilis lang makuha sa mga lalakeng katulad mo."
Tumawa ako ng mahina ng makita ko siyang gulat na gulat. Ni hindi rin maipinta ang mukha. Uminom ulit ako ng alak saka siya hinarap habang nakataas ang isang kilay.
"Ano pa ang ginagawa mo dito?"
"I told yo---"
"Go f*ck yourself!" malakas at mataray kong bulyaw.
Isinigaw ko pa iyon sa mismong mukha niya sa inis. Taas ang kamay niyang napatayo at mabilis akong iniwan mag-isa sa kinauupuan ko.
Much better! They can't just buy me like that. They need to love me harder not for sex.
Nasa kalagitnaan na ako sa pagdidiriwang ng biglang may umupo na naman sa katabing stool. Lasing na nilingon ko sa kanya at papaalisin na naman sana ng makilala ko kung sino ang taong iyon.
"Nasiraan ka ba ng ulo?" bungad niya.
"Mukha ba?" tugon ko sabay turo sa mukha kong medyo may kapulahan na dahil sa alak. Tumawa pa ako ng malakas. "Bakit ako masisiraan ng ulo kung tagumpay naman ang ginawa kong plano?"
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Action| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...