Axel
Hindi ako makapaniwala na hindi ko pa rin nagawa 'to. Ginawa ko Naman ang aking makakaya, ngunit tila hindi ito gumagana. Gayunpaman, kahit hindi ko magawa ang bagay na 'yun. Gumagaan pa rin ang pakiramdam ko na kaya kong ilabas ang sama ng loob ko. Ano ba kasi? Bakit napakahirap intindihin ang katotohanan? May kulang pa yata sa akin o baka may nakalimutan ako sa buhay ko?
Alam kong wala ako sa sariling naglalakad papasok sa campus ng SISFU. May bumati sa'kin sa daan pero 'di ko siya pinansin. Bakit sino ba siya para pansinin ko? Gusto lang naman nilang magpapansin. Nakakasayang ng oras.
Pagpasok ko sa Student Council Office, agad kong tinapon ang dala saka pabagsak na umupo sa couch sabay gulo ng buhok ko. Bigla pa akong napasigaw ng sobrang lakas sa inis at bahagyang kinuom pa ang kamay. Parang naghihingal pa ako pagkatapos kong magawang bulyawan ang sarili.
Ilang saglit nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at niluha doon si Chrizzy na kasama si Trinity. Nakita naman agad nila ako sa loob ng makapasok kaya umayos ako ng pagkakaupo saka sumandal sa kinauupuan.
Mayamaya pa ay napatingin ako kay Trinity habang abala ito sa pag-aayos ng gamit sa ibabaw ng lamesa niya.
"Mukhang masama ang araw natin ngayon ah." biglang wika niya.
Mahina akong napasinghap ng sabihin niya iyon. Umiwas ako ng tingin sa kanya at napahawak sa noo kong sumasakit. Pero, mayamaya pa ay nainis ako ng marinig ang pagtawa nilang dalawa.
"Hey! Axel! Guess what?! Trinity's gonna stay here at Las Piñas." naeexcite na kwento ni Chrizzy.
Binalingan ko siya ng tingin habang walang kaemosyon Ang mga mata, "Really?"
"Yeah! 'Di ba maganda nga 'yun? Napakaganda talaga ng balita ngayong araw."nakangiting wika niya at talagang pumapalakpak pa ito. "Ang exciting talaga! What a dream come true."
"Natin ba o sa'yo?" biro ko.
"Axel! Ano ka ba?! It's ours! Dati-dati pa naman. We always talked about that."
Lumapit siya sa'kin at umupo sa katapat na couch mula sa kinauupuan ko. May kung ano pa itong tinignan sa center table habang napalingon naman ako kay Trinity pero napailing-iling lang ito.
"Oh! Nice! May chocolate pa dito!"
"That's must be Kenny's." paalam ko.
Nakipagbalikat siya sa akin at kinain ang nakitang tsokolate. Bumuntong hininga naman ako at kumuha rin.
"Nga pala, Wexler. Si Kenny nagkasakit kaninang umaga. Baka 'di siguro iyon makakapasok ngayong araw." paabot na balita niya at bahagyang nanlaki ang mga mata "Oh, shocks! Nakalimutan kong puntahan si Coach Gracia para ipaalam sa kanya. Naku! Patay! Nandito pa kaya siya?"
"Anong oras na ba?"
"I don't know. Maybe 7?"
Napatingin si Trinity sa relong suot saka tumingin sa amin. Takang-taka naman ako ng bigla itong tumayo mula sa kinauupuan. Hinubad rin ito ang suot na SISFU coat at sinabit iyon sa swivel chair niya.
Mas lalong pang napataas ang isang kilay ko ng bahagyang binuksan nito ang dalawang butones ng suot niya puting polo ng maitanggal ang necktie.
"We still have time. May training pa sila sa gym. Maabutan pa natin si Coach Gracia."
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Action| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...